Sa dulo ng train

67 3 0
                                    

Sa dulo ng train

This story that I'm about to share happened recently.

I'm living here in Japan, at pag sinabing Japan, when it comes to horror ay talaga namang nakakatakot. Wala pa akong isang taon sa bansang ito pero sobrang dami ko ng creepy experiences. At etong isshare ko ay nangyari lamang kahapon.

Sabado, mahaba ang oras ko sa trabaho. Kapag weekdays naman ay pumapasok ako sa eskwelahan. 12 hours ako nagtrabaho nung araw na yon, sobrang nakakapagod. Araw araw nagttrain ako pag pumapasok sa school man o trabaho. That day nung pauwi na ako, I'm exhausted.. ikaw ba naman ang magtrabaho kalahating araw di ba. Pagdating ko sa station, sabi ng train attendant mayroon daw accident at hindi muna makakaalis yung next train. Naiinis ako dahil pagod na pagod ako at gusto ko ng umuwi pero wala naman akong magagawa kundi maghintay. I've waited for 30mins until the train attendant tells me na okay na daw.

9:30pm na that time, and halos wala ng tao sa train dahil sabado at maagang umuuwi ang mga student at empleyado na may pasok ng ganong araw. Pag upo ko pa lang sa dulo ng train ay parang hinihila na ako ng antok, laging sa dulo ako pumupwesto pag pauwi para mabilis makakaexit. I dont usually sleep on the train pero dala ng sobrang pagod ay unti unti nang pumipikit ang mga mata ko.

Everything seems okay, until such time na naramdaman ko na parang may nagbubukas sa left side ng mata 'ko, I don't really care dahil akala ko nananaginip lang ako, madalas kasing gawin yun sakin ng 3yr old kong pamangkin pag natutulog ako. Pero hindi nawala, hanggang sa nagising na talaga ako. Pagbukas ko ng dalawang mata ko tumingin agad ako side ko, walang tao. 3 na lang kami that time sa loob ng train na yon, ako, yung driver ng train at yung isang pasahero na sa gawing harap nakaupo. Nakaramdam na ako ng kilabot, nung pagharap ko.... f*ck! Nagulat ako, may repleksyon ng lalaki sa salamin ng train, puro dugo yung mukha nya at unting unti nyang tinaas yung kamay nya pa parang gusto nya akong hawakan. Nagsalita sya, ang sabi nya "iku yo". Napatayo ako sa sobrang takot at tumakbo sa harap. Tumingin sakin yung isang pasahero saglit at nagcellphone na ulit. Lumingon ulit ako sa likod pero hindi ko na sya nakita. Umuwi akong tulala, at iniisip pa rin ang itsura nung lalaking yon.

Kinabukasan ay nagkwento ang ate ko, sabi daw ng katrabaho nya, merong tumalon sa train rail na lalaki nung gabing yon na pauwi ako. Hindi ko na inalam kung namatay or ano dahil may idea na ako na baka sya yung nakita ko.... muli kilabot ang nadama ko. Hindi ko na kinwento sa kanya yung nangyari sakin. Bukas, sasakay na naman ako ng train, I hope na hindi ko na sya makita. Habang tinatype ko to, naalala ko yung sinabi nya, "iku yo" na ang ibig sabihin ay "alis na tayo/tara na".

RavenOfdeath




📜Spookify
▪︎2016▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon