Missionary Apartment
Real Story from a former MissionaryI know the rules at ang kwento na ito ay hindi para magkaroon ng debates sa kanya kanyang relihiyon na inyong kinabibilangan. Gusto ko lamang ikwento kung ano ang nangyari sa akin noong ako ay nagsisilbi bilang missionary ng isang Simbahan.
Nasa 4th area ako noong mangyari ang isang nakakakilabot na pangyayari sa aking buhay. Naassign ako sa Rosario, Agusan Del Sur. Ngunit bago ako maassign doon ay nauna na akong naassign sa Medina, Misamis Oriental; Tagum, Davao; at sa San Francisco, Surigao. Sa tatlong napuntahan ko na lugar ay wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Normal na buhay lang bilang missionary. Ngunit nang dumating ako sa aking ika-apat na area ay doon nangyari ang mga nakakakilabot na pangyayari sa aking buhay bilang missionary.
Kakarating ko lang sa apartment na yun kasama ang aking companion dahil sinundo niya ako sa terminal ng bus na katabi lamang ng apartment. Nasa harapan ako ng doorway nang mapansin kong sobrang dilim ng awra ng apartment na iyon. Pagpasok ko eh nakita ko kung bakit. Sobrang dumi, maalikabok at mapaansin mo ang mga agiw sa kisame. Hindi muna ako naglibot ng area upang magturo sa mga tao noong araw na iyon at nung sumunod na araw sapagkat mas minabuti kong mag general cleaning ng apartment. Noong pangalawang araw nang paglilinis ko at pagstay ko sa apartment ay nakakita ako ng isang baul na gawa sa balat ng kawayan. Madaming libro ang nakaimbak doon kasama na ang medical books at ang isang tagalog na biblia, bilang missionary syemre ay kinuha ko ang biblia na yon.
Matapos akong maglinis ng apartment at kumain ng hapunan ay nagsimula na akong mag personal study. Nagbasa ng salita ng Diyos sa mga banal na kasulatan at gamit ang tagalog na biblia na nakita ko. Naging matiwasay naman ang pagpepersonal study ko. Hanggang sa mag alas-dose ng hating gabi. Nauna nang matulog ang mga kasamahan ko sa apartment. Naglatag ako ng kutchon sa lapag ng kwarto na nakatapat sa pintuan ng kwarto. Patulog na ako nang makarinig ako ng mga habang na tila naka bakya ang naglalakad. Pabalik balik siya hanggang sa matapat siya sa pintuan ng kwarto namin ng kasama ko. Pilit niyang binubuksan ang pintuan, kumakatok at ginagalaw galaw ang doornob nito. Sa takot ko ay nagtalukbong ako
ng kumot. Kakatapos ko lang din magdasal bago ako mahiga ngunit dahil sa nangyayari ay nagdasal ulit ako na nawa'y matigil ang nangyayari. Hanggang sa mawala ang kung sinong kumakatok sa pintuan.Kinabukasan ay kinuwento ko ito sa aking mga kasamahan. Normal na lang daw ito. Sa mga sumunod na araw at gabi ay may mga nangyayari paring kababalaghan. Kung gabi ay minsang may naghuhugas ng plato. May lumalagabg sa kabilang kwarto na wala namang gumagamit. At naglalakad sa gabi na tila nakabakya. Habang tumatagal din ang aking pananatili sa apartment na yun ay nakakaaninag at nakakaramdam na ako ng mga espiritong nasa apartment.
Isang gabi ay uhaw na uhaw na ako. Pumunta ako sa kusina para uminom, nang pagkakuha ko ng tubig sa ref ay napansin kong may batang babae sa gilid nito. Nakaupo at nakaub-ob ang ulo sa tuhod. Binaliwala ko nalang dahil medyo nasanay na ako. Pagdating ko sa kwarto namin ng companion ko ay may sinabi siya. "Ano kayang nangyari sa batang nasa gilid ng ref?" hindi ko alam kung coincident lang ba ang tanong niya sa naranasan ko. Ang sabi ko sa kaniya, "Oo, napansin ko din yung batang yun". Napagkwentuhan namin na may third eye pala ang kasama ko. Alam niyang may mga nakakasalubong kaming mga espirito sa buong bahay. Ngunit wala naman daw ginagawang masama, maliban sa espiritung pilit na nagbubukas ng pinto tuwing gabi. Bigla akong napatingin sa table ko at nakita ko ang tagalog na biblia. Kung tama ang aking iniisip ay baka gusto ng espiritu na yun na ibalik ako ng aking kinuha sa baul na gawa sa balat ng kawayan.
Binalik ko ang biblia doon at tama nga ako. Hindi na nanggulo pa ang espiritong pilit na nagbubukas ng pinto ng kwarto namin. Ngunit regular na may nangyayaring paghuhugas ng plato sa kusina na hugas naman lahat ng mga plato at pinaggamitan namin.
Mga tatlong buwan nang pananatili ko sa apartment na yun ay nagkaroon ng pag uusap ang lahat ng missionary sa aming distrito na doon matulog sa apartment ng isang gabi dahil kinabukasan ay babyahe kami papuntang San Francisco sa Agusan del sur para sa isang Meeting. Gabi nang mangyari ang isang pangyayari na kinatakutan ng ibang missionary sa aming apartment, sa sala kami natulog lahat. Tulog na ang lahat maliban sa akin nang mag-isang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutulugan ko. At sinara ito ng padabog ng kung sino o ano, bubukas ulit at isasara ng padabog. Kitang kita ko ang pagikot ng doornob kahit walang ilaw. Ang tanging liwanag lang namin ay ang ilaw mula sa labas na nanggagaling sa buwan dahil bukas ang aming bintana. Nakailang ulit na nangyari ito nang maramdaman ko ang kapwa ko missionary na takot na takot, tinatadyakan niya ako ng mahina marahil para magising ako. Nakatulog nalang ako habang nangyayari yun ng paulit-ulit.
Ngayon, naging katuwaan nalang namin na ikwento ang mga nangyari sa amin sa apartment na yun.
Permission to post Admin. Eto po yung apartment na yun. Pakidecline nalang po kung bawal ang picture. Salamat po.
-JVR
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.