Paupahan

56 3 0
                                    

Hello guys! This is my 2nd time to share. Pasensya na po di ako gaano marunong mag kwento at hindi travel related ulit.

Year 2014 pa po ito pero alam na alam ko pa din ang pakiramdam. Hehe From province po talaga kami pero dahil sa QC ako nagaral ng college at taga doon din yung napangasawa ng kapatid ko, nag decide sila na isama nalang ako sa nirent nilang apartment. Yung paupahan may apat pong apartment bale sa dulo po yung sa amin. Pa vertical yung set up. Dadaanan mo muna lahat ng apartment bago ka makadating sa amin. So ayun, pag pasok po sa pinto bungad sayo yung stairs pa 2nd floor, tapos sa left makikita mo yung napakalaking salamin na nakadikit sa wall na pag galing kang 2nd floor sarili mo agad makikita mo haha pero ang mas catchy po sa paningin e yung wallpaper na parang chinese yung style, may mga print na parang si Confucius mga ganon or chinese na sulat na naluma na ng panahon. Masasabin mong luma at matagal na talaga yung apartment pati window e yung gawa sa capiz or oyster na may color green at blue basta ganon. So eto nga po, dahil buntis at malapit na mnganak yung sister in law ko umuwi muna sila sa mother nya, meaning maiiwan ako magisa. First night, tapang tapangan, ayoko mag isip ng kung ano ano sana pero habang tulog ako may naramdaman ako na parang may huminga sa may tenga ko. Ramdam ko ung bigat ung parang may tao sa harapan ko ganon. Pero di ko dinilat mata ko kasi hindi ako ready sa pwede ko makita. Wala din naman tutulong saken kahit magiiyak ako doon, kung mamamatay din ako baka ilang araw pa bago ako makita haha ganyan mga nasa isip ko noon. 18 or 19y/o yata ako noon. 2nd day, knwento ko sa mga kaibigan ko yon, kaya nag aya sila na samahan muna ako doon tapos uwi nalang sila pag mag gagabi na, so ayon nagluto luto kami, ung isa kong kaibigan umakyat sa 2nd floor gusto daw nya silipin pero half way palang sya bumaba na, natakot daw sya sa attic, yes po may attic na punong puno ng gamit(mga naka box) na pinakiusap ng may ari na iwan muna doon. Bukod pa sa mga gamit na yun, may iniwan pa silang mga lumang sapatos, 80s or 70s sguro na style ng shoes yon na nakalagay sa cabinet sa likod ng front door na kung may magustuhan daw kami saamin nalang haha. Going back...haha Nung tapos na kami magluto at magkwentuhan, nagaasaran nag hagisan ng throw pillow ung mga kasama ko, ung isa hinagis ung pillow sa may stairs, baka daw may mag hagis pabalik. Tapos tawa sila ng tawa, di ko pa ma gets that time or denial lang ako. Haha 3rd day, dahil weekends walang pasok, buong araw lang ako nandoon, kahit ideny ko natatakot talaga ako, iba yung dating, naencounter ko yung bandang 2-5pm, naririnig ko yung matanda sa kapitbahay na nagtatawag parang ung hinang hina na or mamamatay sabayan pa ng umaalulong na aso. So, tinext ko kuya ko, sabi ko natatakot ako knwento ko ung matanda. Sabi nya naririnig din daw nya yon tapos same din na aalulong yung aso. So call a friend nako. Sobrang napaparanoid na ako sa sobrang tahimik na lugar at sobrang bigat ng pakiramdam. Nakitulog ako sa kaibigan ko na kasambahay lng at sya ang nsa bahay. After 2 or 3days bumalik ako para kumuha ng damit, yes po, wala pa po ako balak umuwi ng apartment. Hahaha tinanong ako ng friend ko kung sasamahan pa ako, sabi ko hindi na saglit lng naman ako kukuha ng gamit, na sana pala nagpatulong nako. So, akyat ako sa 2ndfloor kuha ng gamit tapos alis na, bago ako bumaba..nag stop ako sa pintuan ng room, hindi ko din alam anong katangahan yun bigla ko nalang sinabi na "oh alis na ako ha. Kayo na bahala sa bahay". Naalala ko kasi ung sabi nila haha kausapin daw para wag manggulo or whatever. Edi kinausap. Bakit ba!!!? Hahahaha Nung bababa ako ng stairs natingin agad ako sa salamin, may nakaputi sa likuran ko. Babae po ung nakita ko pero walang mukha.. Napa p.i ako sabay labas at lock ng mabilisan ang pinto. Paglabas ko ng gate dun ko lang naramdaman na sht humihinga pa pala ako hahaha Hindi sya malikmata, napakalapit, nasa likod ko lang.😩🥹 so the next day, sinabi ko sa kaibigan ko, di naman sya nagulat, haha akala ko di naniniwala, yun pala nakita na nung isa namin kaibigan yung nakita ko, kaya pala hindi sya tumuloy sa 2ndflr noon, pero hindi nalang daw nila sinabi sakin baka matakot nga daw ako.

Ung lugar din na yon parang dulo ng subdivision, far view hahaha hindi halos nadadaanan. Last horror experience ko yan, pero simula ng mag work ako sa hospital at madalas ako yung nagsusundo ng pasyente (term pag namamatayan ng patient) ramdam na ramdam ko sila. So ayun lang po. Salamat!!



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon