Aswang sa Fabella
long post ahead!
Kung sa kwentuhang Aswang at barang lang naman madami ako ma shashare since naniniwala talaga kami sa mga ganyan at ang both parents ko ay originated din sa mga probinsya, pero ito yung isa sa hindi ko makakalimutang experience.
I was highschool back then, early 2000 ata yun or late 90s, yung asawa ng tito ko ay buntis about 8 or 9 months months n ata tyan nya, gabi na nun nung pumunta pinsan ko sa bahay dahil nasakit daw ang tyan ng mama nya, nagpapasama sa ospital sa isa ko pa na tita kaya naman dali dali pinuntahan ng tita ko yung asawa ng kapatid nya which is yung buntis nga, pagbalik sa bahay namin ng tita ko(madalas kasi ako nakikitulog sa bahay ng tita ko kasama mga pinsan ko lalo na pag weekends kaya andon ako nung gabi na yon.) pupunta daw sila sa Fabella kasi libre daw panganak don since gipit din yung pamilya na yun ng tito ko. malayo ang Fabella samin dahil nasa Notre kami ng NCR tawid ilog na namin ang Bulacan.
So ayun nga nakabalik ang tita ko sa bahay namin mga bandang 4 or 5AM na sya lang maisa at nanginginig sa takot.
Dalawa lang sila ng tita ko na pumunta ng Fabella para tipid sa pamasahe, Pagdating daw nila sa Ospital dinala sa ER tita kong buntis yung tita ko na sumama sa kanya naman ay nagintay lang sa labas kaso ang naging problema namatay ang baby ng tita ko so pinatawag sya sa ER, pinapauwi yung baby para mailibing, Pinabalot sa tita ko yung baby, tita ko mismo nagbalot una binalot nya yung baby sa pinabihisan ng ng tita kong buntis, tapos binalot nya ng tuwalya tapos kumot, nilagay nya sa plastic bag na makapal para maiuwi na muna si baby at mailibing, naiwan muna yung tita ko na pasyente sa ospital para maiconfine.
palabas na ng ospital yung tita ko nung may sumalubong sa kanyang medyo may edad na na babae nasa 40s or 50s daw yung babae medyo mataba pero maliksi naman daw inapproach sya ng babae tapos tinanong sya kung lalabas na sya ng ospital sabi ng tita ko oo pauwi na sya,
send ko ulit part 2Aswang sa Fabella part 2
tinanong sya kung san sya uuwi at sinabi naman ng tita ko kung saan way nya, sabi ng babae sasabay na sya sa tita ko kasi don din way nya sa Bulacan daw sya umuuwi so pumayag naman tita ko, yung ale tingin ng tingin don sa plastic hindi sinabi ng tita ko ano laman nun, habang naglalakad sila palabas ng ospital, hanggang sa natapik ng ale yung plastic na dala ng tita ko which kung san nga nakalagay si baby na patay na, nabiwatan ng tita ko yung plastic bumagsak at gumulong pa ng kaunti, natakot tita ko a
at nagulat kaya dali dali nyang hinabol at pinulot ang plastic awang awa pa sya kasi nga alam nya baby laman non niyakap nalang nya ng pagkakabitbit. tumuloy sya sa paglalakad hanggang makarating sa sakayan kasamabay padin yung Ale. pagsakay nila ng bus nilagay ng tita ko yung plastic sa lap nya ta kukupkukop nya at iniingatan nya. nauna bumaba tita ko hanggang nakauwi na sya don sa bahay ng tito at tita ko na buntis. ginising nya yung panganay na anak para magpabili ng karton at maghukay nalang sa likod bahay nila para don nalang ilibing . tinanggal ng tita ko si baby sa plastic bag at dahan dahan binuklat yung kumot tapos tuwalya at damit na nakabalot sa baby para ilipat na sa karton. pag bukas nya ng huling pagkakabalot kay baby tumayo lahat ng balahibo nya sa buong katawan dahil wala ng baby sa doon. bakas nalang ng konting dugo as in wala na kahit anong bakas ni baby, inulit ulit pa nya pagkakabuklat at pinagpag pa ung plastic at kumot at tuwalya, iyak at pasigaw nya sinasabi, asan ang baby!!? sigurado ako andito yon! ako pa nga nagbalot sa kanya! san mapupunta yon!!?? ay ayon wala nang baby na nailibing.iyak ng iyak yung tita ko sa takot at awa sa baby habang nag kkwento sya sa amin nanginginig pa din sya kasi hindi sya makapaniwala sa nangyari,at yung Ale lang na sumabay nya ang naalala nya dahil yun lang naman naka encounter nya mula sa ospital hanggang paguwi.dami pako kwentong Aswang at naexperience lalo na doon sa province ni papa📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.