Nakipag rides!

64 5 0
                                    

Nakipag rides!

Hi po, first time ko po magshare ng experience ko. Pakitago na lang po ang pangalan ko, Isa po akong empleyado sa isang kilalang kompanya sa bgc. Midshift ang pasok ko, meaning 3pm-12am. Dahil twice a week lang onsite na pasok ko, palagi akong nagdadala ng motor papasok. Dahil marami nakapark sa bldg ng pinagtratrabahuan ko, nakagawian ko ng mag parking sa kilalang hospital sa bgc dahil malapit lang naman ang opisina ko dun. Ang parking nito ay nasa basement. Nangyari eto last year kung san mahigpit pa ang protocol dahil sa covid. Pag out ko ng 12am, nagyosi muna kami ng kaopisina ko na panggabi at nagkwentuhan na din, bandang 1 am napagdesisyunan ko ng umuwi.

Walang katao tao nun sa parking, mga 10 metro ang layo sa motor ko, may narinig ako na nagsutsot "pst" at parang dumaan sa likod ko, nilingon ko baka may tao, pero wala naman. Binuksan ko na ang motor ko at pinainit ko muna. Habang naghihintay at nag aayos ako ng gamit, narinig ko nanaman na may nag "pst" at parang may dumaan na nanaman sa likod ko, pero ganun pa din walang tao. Mejo uneasy na ung pakiramdam ko, kaya dali dali na ako umalis. Ang ruta ko pauwi ay mckinley west papuntang c5 extension dahil taga south ako.

Habang nsa byahe sa madilim na part ng mckinley, may napansin akong parang may hinahangin na buhok ng babae sa side mirror ko, di ko pinansin kako baka may tali lang sa bag ko, pero iba na pakiramdam ko parang mabigat ung motor ko, may nakikita din ako na parang puting tela na hinahangin, pagdating sa stop light, tinignan ko ung likod ko saka bag, wala naman kahit na anong tela o tali. Diretso lang byahe ko, bandang c5 extension, sa di ko malaman na dahilan, napapatingin ako sa side mirror ng motor ko andun nanaman ung parang buhok at tela na puti, pakiwari ko suot ng tao pag naaadmit, dito na ako kinabahan at nagdasal ng malakas habang nagdridrive ng motor.

Pagdating sa zapote marami na akong nakasabay na motor, tinignan ko nawala na, akala ko un na un, pero pagdating ng cavite papasok ng sikat na subdivision, nakita ko nanaman ung buhok at this time prang nakadungaw na sa akin pero wala ako makita na mukha, dito ko na napagdesisyon na tumigil at pumasok sa mini stop, swerte naman at nahpapatugtog ng malakas ung store ng ganung oras, nagstay muna ako dun ng 30 mins, dahil iniisip ko may sumakay ata sa akin pauwi.

Magkahalong pagod, kaba at antok na, nagdecide na ako umuwi (mga 5 mins na lang bahay na ako) this time wala na ung nakikita ko sa likod, pag uwi ng bahay di na muna ako natulog at nagdasal ako.

Simula nun di na ako nagpark dun sa pinagpaparkingan ko dati, narinig ko na mahigpit na din dun at mahal na ang bayad kung wala kang pasyente na pupuntahan.

Un lamang sa ngayon at more power!



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon