Hi first time to post here. Sa Saudi nangyare tong creepy experience ko. Ofw ako sa Saudi for 10 years, pero bute nalang once lang to at di na naulit.
I’m a nurse and yung accomodation namin is katabi lang ng hospital na pinagdudutyhan ko. May usap-usapan na non na ung hospital namin is dating sementeryo. Lumang luma na din ung accommodation, talagang sira na ung ceiling, naka bagsak na ung mga wirings. Ung sink ng cr sa room namin may crack, ung ibang room totally sira na. Sa isang room, 2 staffs ang magkasama.
Eto na nga, may friend ako na may 3rd eye. Magkalayo ung room namin. Sya sa dulo, ung room ko naman sa bandang gitna. Pumupunta ako sa room nya kapag sabay kami off, sabay din kaming kumakain. So habang kumakain kami, nagkwento sya na may naramdaman syang lumalakad sa room. Natutulog na daw sya non, pero dahil sa pag lalakad na naramdaman nya, nagising sya. Sa saudi or middle east countries, dahil mga muslim sila, need ang mga babaeng muslim na mag suot ng abaya. Eto ung black na dress over all to protect ung mga babaeng muslim, nagsusuot din kami ng abaya kahit na di muslim kapag lalabas sa mall/ grocery kase un ang culture doon. Kapag naglalakad, talagang maririnig mo ung tela kase medyo maingay sya kapag inilalakad. Rinig na rinig daw nya ung paglalakad sa gilid ng kama nya na pabalik balik. Natakot ako kase tapang tapangan lang din talaga ako. At ayoko makakita ng mga ganon or makaramdam.
Kinabukasan ng gabi, natapat naman na evening shift ang ka room mate ko, ending mag isa ako sa room. D din ako makatulog na may ilaw. Kita din naman ung liwanag ng moon sa gilid ng bintana. Patulog nako, inoff ko na lahat ng ilaw. Ramdam kong pabigat na ng pabigat ung mata ko sa antok, nang bigla akong nakaramdam na may naglalakad sa gilid ng kama ko. Pabilis to ng pabilis na pabalik balik sa likuran ko. Nakatagilid ako non na halos ramdam ko din na naka tayo na lahat ng buhok ko sa ulo. Kinilabutan na din ako. Nanigas ako na kabang kaba sa takot. Pinilit kong igalaw ung kamay ko para maabot ung switch ng ilaw. Nung ma-i on ko na ung ilaw, bigla itong nawala.
Sa takot ko tinawagan ko ung friend ko, nagpasundo ako at don ako tumabi saknyang matulog. Pagkatpos non, hindi naman na naulit, pero hindi na ko natutulog ng walang ilaw.
Etong pic yung sample ng abaya na
Sinusuot ng mga lokal doon.P.s.
May na experience pa kong isa pero sa ibang hospital and accommodation sa saudi din. Bulong naman ang narinig ko. Wait ko munang ma post to. Thanks admin.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.