“SANA PALA PINILIT KO NA LANG YUNG SARILI KO MATULOG THAT TIME”
Hello po Ka-USF! I just want to share my experience. Bear with me because hindi ako marunong mag-story telling kapag tina-type. Hindi ko alam kung 2018 or 2019 ba nangyari ito, basta Grade 12 na ako nun. Kasalukuyan kaming gumagawa ng research that time, so nandun na kami sa part na maghahanap na kami ng RRL para dun sa introduction. Kaming dalawa ng frenny ko ay nag-stay kami nun sa frenny naming isa na ka-group ko. Sa kanila kasi may wifi tsaka tindahan.
Punta na tayo sa exciting part. Umabot kami hanggang 3 am ng madaling araw. Habang lumalalim yung gabi, pabigat nang pabigat yung atmosphere sa bahay nila. Btw, may second floor bahay nila. Nag-start na rin na makaranig kami ng mga ginagalaw na bagay. Matatakutin pa naman kami. Since lumalalim yung gabi, tumatahimik rin. Hindi rin naman kami puwedeng mag-ingay dahil na rin natutulog na family niya.
Siguro napapansin din nila yung nangyayari kaya yung frenny naming may-ari ng bahay ay nag-aya nang matulog. Edi umakyat na kami sa taas nila. Sa may lapag kami natulog. Syempre, kapag sa lapag ka ay maririnig mo yung mga yapak ng tao. Natutulog na silang lahat, ako naman hindi ako makatulog dahil na rin sa namamahay ako. Ginawa ko, nakikiramdam na lang ako. Sana pala pinilit ko na lang yung sarili ko matulog that time.
Kasi naman mga ante, naririnig ko yung nag-aakyat baba sa hagdan nila, tapos yung tumatakbo pa sa hagdan, then may tumatawa rin na dinig ko ay boses bata, naglalaro sila sa hagdan. Huhu. Grabe, sobrang lakas ng tibok ng puso ko nun. Tapos, sa pintuan naman nila ay may siwang sa baba. Nakikita ko yung mga shadow nila. Nagtatakbuhan sila. Pinilit ko talagang makatulog nun. Nakaidlip naman ako, sa wakas. Ang kaso, naalimpungatan naman ako kasi meron akong narinig na umiiyak na bata sa labas ng bahay nila. Tapos, naririnig ko pa rin yung mga naglalaro sa hagdan.
Kinabukasan, kinuwento ko sa mga frenny ko yung nangyari. Sabi nung frenny kong may-ari nung bahay, palagi raw ganun sa bahay nila. Minsan pa na tumambay kami sa kanila na kaming tatlo, biglang bumubukas yung electric fan nila sa taas tapos kusang namamatay. Hindi lang yun yung kakaibang mga nangyayari sa bahay nila. Minsan na rin niyang naikuwento yung nanggaya sa kapatid niyang lalaki.
P.S. Share ko rin pag may time ako yung na-experience ko naman sa dorm.
📜FEU Secret Files Community
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.