Madre
Sa former all girl’s school ako nagtake ng bachelor’s ko. Sabi nila specialized ang school na yon sa gusto kong kurso. Pumayag naman ako dahil yun din ang gusto ko pasukan, yung school na dun magaling. Unang punta ka don, gandang ganda ako sa itsura. Ang classic, old school, lakas maka unang panahon ang vibes. Makaluma din kasi ang hilig ko kaya para sakin swak at nakadagdag sa ganda points yun. Enrollment nung unang punta ko, so nag grab opportunity na din ako para maglibot. Ang laki ng school, daming pasikot sikot. May mga area nga lang na madidilim at out of nowhere parang hahatakin ka. Kumbaga nakakatempt puntahan. Kasama ko ang tita ko nung nag enroll ako kaya ayoko din mapalayo at maghanapan pa kami. Although nag lilibot ako sinisigurado ko na alam nya san ako ma hahanap. Napunta ako sa simbahan. Maganda, ang laki at alam mo may kalumaan na ang structure. Alam mong hindi lang 10 years o 20 years na nakatayo ang chapel/simbahan o ano pa ang tawag. Nataon na pumasok ako walang tao. Swerte nga naman nakapag picture, muni muni at pinagmasdan ang ganda ng loob. Naka upo ako sa dulo. Hindi na ako lumakad pa papasok ng looban at ayoko naman maging bida bida. Nakaupo lang ako habang nakatingin sa altar. Ang ganda ganda kasi at nagiimagine nanaman ako na kinakasal ako at naglalakad papuntang altar. Hanggang sa napansin ko may madre na nakatayo sa baba ng altar. Nakatalikod ito sakin. Itim ang suot nyang “uniform” at hindi ko alam tawag don. Ang belo nya ay di usual may pa korte. Nagtaka ako san nanggaling ang madre at bakit di ko napansin. Pero di ko na din masyado inisip pano sya napunta don. Pero tinitigan ko sya. May pagka tsismosa kasi ako at tinitignan ko ano ginagawa sa harapan. Tanda ko pa iniisip ko baka may ikakasal. Hehe ewan ko ba kakaisip ng kasal na yan. Naiilang na ako kasi nga alam ko 2 na kami sa loob. Hindi ko din naman malaman laman bakit dalawa lang kami. Hanggang sa nagsawa ako tignan sya at luminga linga nalang ako sa taas. Tinitignan ko yung ceiling baka kasi sobrang laki ng fan e ma final destination ako. Ewan ko ba napatingin nanaman ako sa harapan at this time gumagalaw sya. Yung ulo nya gumagalaw pagilid yung parang nakikinig ng music. Mejo mabilis ang galaw ng ulo. Ako naman ewan ko ba hindi parin tumayo. Nagtaka ano ginagawa ni sister. Naka headset siguro. Hindi ko alam pero ang weird na ng itsura nya. Nakatalikod parin sakin. Hindi naman straight ang tayo dahil yung kamay ay andon sa may baba ng altar yung parang “gate” dko alam tawag at naggaganon nga ng ulo. Ganon at ganon lang ang ginagawa nya at hindi tumitigil. Nag dahan dahan ako tumayo kunware nagphophone para di ko mapansin paligid ko. Sa lawak ng peripheral vision ko nakikita ko bumibilis yung pag galaw ng ulo nya. Wala na ako pakelam nagmadali na ako tumakbo palabas ng simbahan. Pero bago ako makalabas nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. Hindi ko pinansin dumiretso lang ako palakad hanggang sa makahantong ako papalayo sa simbahan. May nakasalubong akong sisters. Naka grey at nagtataka bat daw ako nagmamadali san daw ako galing. Hingal at kaba na nakatingin ako sakanila. Dun ko napagtanto na grey ang “uniform” ng mga madre sa skwelahan na yon at walang form ang kanilang belo. Nasabi ko nalang sakanila galing ako simabahan. Nagtaka sila sabi e sarado muna daw dahil nililinis. Pano daw ako nakapasok. Hindi ko din alam ano isasagot ko. Nagmano nalang ako sakanila at hinanap nalang ang tita ko. Hindi ko na din na kwento sakanya hinayaan ko na hanggang sa nakalimutan ko na din. Ngayon ko lang ulit naalala yung pangyayari na yon dahil sa hindi ko malaman ano pumasok sakin at nag research ako about school ko. Ngayon ko lang din napagtanto na ang suot ng madre na nakita ko ay “uniform” nila noon pang panahon ng 1800s. Sa ngayon, kinilabutan ako sa nalaman ko pero hindi na takot siguro kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman na ako babalik don at hindi ko na ito makikita pa
Yung picture pala example lang yan nung nakita ko. Halos ganyan pero hindi exactly.Ps. Pinasend sakin ng pinsan ko. Hindi ko talaga story. finorward nya sakin na ganyan with picture.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.