Di Na Naghugas ng Plato

27 1 0
                                    

PTP po Admin. TIA.

Just wanna share one of my unforgettable creepy stories.

This story happened like around 1992 or 1993.

Wala kami sariling bahay so that time palipat lipat kami ng inuupahan. Then one time, ung nalipatan naming bahay ay medyo looban at iskinita ang dadaanan bago marating ung mismong bahay at dulo o dead end na ung location nya.
Kapag umakyat ka sa itaas (sa second floor kami 🤔) at tumanaw sa bintana sa likod ng bahay ang makikita mo sa likod ay mga puno.

Dahil nga kakalipat pa lng namin, di pa masyado naayos ang mga ilaw sa buong bahay. Isang ilaw lang ang tumatanglaw sa sala at sa dining area. Wala pang ilaw sa lababo. Kapag nkaharap ka sa lababo, ang nasa likod mo ay CR which is wala pa ring ilaw. So, madilim talaga pag gabi na at need mo magdala ng lampara o kndila kung gagamit ka ng lababo o ng CR.
Paglipat pa lng namin iba na talaga ang pakiramdam ko sa bahay na un, siguro dahil medyo may kalumaan na rin ung bahay. Kahit medyo creepy, wala nmn ako magagawa dahil dun napili ng parents ko mag rent so wala akong choice. 🥶

Ilan lang ito sa naaalala ko.
1. Matutulog sana ako mag isa sa kwarto, bigla ko naramdaman na gumalaw ung kama, ung parang may umupo ng pabagsak. Tumayo ako para tignan kung sino, pero walang tao. Ako lang mag isa. Nasa sala silang lahat at nanonood ng TV.

2. Sa tuwing magsi-CR ako, kakaiba ung hampas ng mga puno likod bahay ung parang may malakas na hangin pero kapag lumabas ka, at silipin ung likod bahay, di nmn sila gumagalaw sa ihip ng hangin. (or paranoid lang ako)

3. Its 3pm, at nap time. Sa kwarto pa rin ako natutulog at ung mga kapatid ko at nanay ko ay nasa sala. (Open ang pinto para madali ako makatakbo.) So, habang natutulog ako, parang naramdaman ko na umangat ako, im actually not sure kung panaginip o hindi. Pero iba ung feeling. Dinilat ko mata ko at lumipat na lng din sa.sala.

4. Ito ang pinaka tumatak sa isip ko,.One night,.isang gabi.🤭.. After namin mag dinner, ako ang nakatoka.sa paghuhugas ng pinggan, so dinala ko lahat ng plato sa lababo. Nagsindi ako ng kandila dahil wala pa rin ilaw sa part.na un. Ako lang mag isa sa dining area gang lababo. Lahat sila, mga kapatid at parents ko ay nasa sala na at nanonood na ng TV. Palingon lingon ako sa kanila (actually sa TV pala) habang nagsasabon ng mga plato. Sa kalagitnaan ng pagbabanlaw ko sa mga plato, na.estatwa ako literal dahil may anino ng kamay na pang lalaki na gumagapang galing sa right side ko paikot sa harap ko, at paikot na.siya sa kaliwa na feeling ko sasakalin nya ko, dahil nakaporma ung kamay nya na ganun. Ung parang.mananakal. Napasigaw ako sa takot. Sinabuyan ko ng tubig ung kandila sabay takbo sa sala.
Pinuntahan ng parents ko kung ano un nakita ko pero wala silang nakita. Umiiyak ako sa takot nun.

Ayun, simula nun di na ko naghugas ng plato.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon