Tikbalang

51 3 0
                                    

Tikbalang?

Share ko lang tong experience ko nung 1st birthday ng pamangkin ko. From Quezon Province kami. And that time, sa isang barrio kami nakatira (linang kung tawagib dito sa probinsya namin).

Medyo liblib na lugar. May sementadong kalsada. Pero that time, putol putol pa yung part na sementado. At bago ka makarating sa tinitirhan namin noon (na bahay ng Lola ko), from Highway may madadaanan ka na tatlong spillway sa ilog. Kapag malakas at tuloy tuloy ang ulan, walang makalusot na sasakyan. Kaya may mga hanging bridge para makadaan pa rin ang mga tao. Kung may sadya man sila sa bayan (town proper), or pauwi na sakanila galing sa bayan.

So, ito na nga. First birthday ng pamangkin ko. Maulan nung araw na to. May ipipick-up kami ng nanay ko sa bayan para sa party. Pero gaya nga ng sabi ko, maulan. Yung unang ilog(spillway) nakalagpas pa ang tricycle na sinasakyan namin dahil maliit lang ang tubig dito. Pagdating sa ikalawang ilog, hindi na kaya. Dahil medyo malaki
na ang tubig at malakas na rin ang ragasa ng tubig sa spillway. Kaya napilitan na kaming bumaba sa tricycle at nag decide na maglakad na lang. Pumunta kami sa pathway patungo sa tulay.

Bago ka makarating sa tulay, putol na ang pathway at kelangan mong dumaan sa mapunong lugar na parang gubatan. Tuloy tuloy lang ang paglalakad namin ng nanay ko. Pero napansin ko na ang tagal na naman naglalakad pero hindi naman ganon kalayo yung hanging bridge. Dinedma ko na lang at patuloy na naglakad. Matapos ang ilang minuto, napansin ko na yung dinadaanan namin parang nadaanan na din namin kanina. Hindi pa rin ako nagsalita. Hanggang sa sabi ng nanay ko, “Parang kanina pa tayo naglalakad. Parang paikot-ikot na lang tayo.” Sabi ko na lang, “Napansin ko nga. Galing na tayo dito kanina.”

Nagpasya na lang kami na bumalik. At pag hindi pa din namin nahanap ang daan magbabaligtad na kami ng damit. Pero sa swerte namin, may nakasalubong kaming mama na taga dun lang sa malapit. At tinanong kami, saan kami papunta. Sabi namin pabayan kami at dadaan sana sa tulay. Pero kanina pa kami naglalakad. At sabi nya samin, ”Umuulan. Hindi nyo talaga mahahanap yun. Ihatid ko na kayo.”

At yun na nga saglit lang kaming naglakad at natunton na namin ang hanging bridge. Sinamahan kami ng mama hanggang makalagpas kami ng tulay. Nagpaalam na kami at nagpasalamat sa pagtulong nya samin.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon