" TEACHER KO NOON"
Nakilala ko yung asawa ko ngayon noong college pa kami, 3rd year college kami noong time na mag oobserve sila sa school, kung saan ako nag highschool dati bandang Karangalan Cainta Rizal.
Nakilala nya yung isang teacher na may katandaan na. That time nasa may sulok na room at wala raw mga estudyante doon kumbaga binakante yung room na yun at naka upo pa rin sya sa desk nya na parang may ginagawa.
Kinausap nya yung teacher na nag pakilala bilang Mr.Bautista. Nagkamustahan sila at nag kwentuhan, hanggang sa yung asawa ko tinanong nya kung may kakilala ba syang J** (Name ko).
Agad naman sumagot yung teacher at sinabing "Oo", at nag kwento kung paano nya ako tinuruan, inalagaan at gawing huwarang estudyante noong time na yon at nabanggit din ni Mr.Baustista na pinatakbo takbo nya ako sa oval bilang kaparusahan sa kalokohan ko noon.Noong kinabukasan na nagkita kami ng asawa ko (gf ko that time) kinwento nya lahat nang nalaman nya at nadiskubre nya saakin noong highschool ako dahil nakausap daw nya yung teacher ko dati at napakadami nyang nalaman about saakin.
Tinanong ko kung sinong teacher yon, "Mr. Bautista ang name nya!" Ganon nalang ang gulat ko nung nalaman ko yung pangalan na yon . Sinabi ko sa asawa ko na matagal nang patay si Mr.Bautista highschool pa ako at pumunta pa nga ako sa burol nya mismo. Walang kaalam-alam yung asawa ko na naka kausap sya mismo ng kaluluwa na.
Nakakatuwa lang isipin na kahit nasa kabilang buhay na sila ay naaalala pa rin nila tayong naiwan sa lupa.
Yun lang po salamat sa mga nakapag basa ng kwento ko.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.