Laman Lupa

19 0 0
                                    

Laman Lupa

When I was younger, yung sister ng tatay ko gustong gusto kami pag-stayin sa bahay nila sa QC, Hindi gated na community pero malalaki yung mga bahay. Malaki lote nila, kabilaan yung entrance both sides ng lot may gate. Sa sobrang laki ng lugar, malaki rin yung bakuran. Malalaki rin yung puno, haha. I think wild trees yun.
I never liked staying there kasi ayaw ko mahiwalay sa mom ko, kung meron sasama samin matulog doon, helper namin then ihahatid kami kinabukasan sa bahay namin which is wala naman pinagkaiba haha. --Kung nafollow nyo mga kwento ko ayon. Pareparehong binabahayan haha.
Kada matutulog ako or pupunta kami sa bahay na yun, nilalagnat ako. Basta mapunta ako sa area ng swimming pool, aapuyin ako ng lagnat. I remember may isang beses pa na napuno ng tubig yung chan ko at hirap na hirap ako matulog. It waaaaas a longggg night I still ended up w/ a fever!
Pero ayun nga Umuwi man ako o hindi, samin. May lagnat ako kinagabihan.
I never knew about elements' infatuation until I met a lady na nag-wwitchcraft they do all sorts from spells to tarot reading (please note 7-9 ako, i'm 27 now)  nagrent kasi sila ng space katabi halos ng tindahan namin.
Siguro ilang beses na ako pumupunta sa pwesto nila at tumatambay, weekends lang naman ako doon sa lugar na yun. hinawakan ako nung isang babae tapos sinabi nya sakin 'May nagkakagusto sayong laman lupa.' She also asked for my mom. Sinabi nya na ganun nga and ilayo muna ako sa lugar na yun so maraming beses ako hindi na nakasama sa gatherings dahil dun unless sa mall nalang kami magkikita kita. This was the time I also had nightmares of me being raped and I get series of these nightmares, same scenario. I never knew the man in it.
Mabait sila sa bata I guess because I was an innocent child and wala ako alam sa ginagawa nila, and I never questioned it. until pinaalis sila due to non-payment ng rent jusko, nag-anarchy sa sahig tapos sinabit lahat ng voodoo dolls sa ceiling. I remember seeing this and felt a very very dark aura while the establishment figured a way out to clear the space and pinacleanse talaga nila yun.
--This space later became my mother's office. Kinuha nila yung pwesto na yun kasi 1 space apart lang naman sa amin. May nahahagilap lagi yung cctv na dark orb. This was the time that cctvs were new and had very limited space. Pati katapat na store may nahahagilap na dark orb. I wish langaw lang yun haha.
I attached photos para makita nyo ang paligid ng pool pero cinover ko nalang faces ng mga tao na may picture sa garden, kasi kahit mapunta ako sa lugar na yan ngayon, hindi ako pumupunta parin ng garden area 😅




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon