Halakhak

34 1 0
                                    

Halakhak

Long post ahead.

This is my second time sharing my own story.
Palipat lipat kami ng tirahan dahil sa family business namin (Bike shop/motor parts). Kung saan saan kami napapadpad na lugar,palipat lipat kung saan sa tingin ng parents ko ay malakas ang business. Grade 3 ako nung mga panahon na ito and I was 8 years old. Lumipat kami sa isang maliit na bayan around Pangasinan. As in maliit lang ang bayan na ito. Hindi maaring tirahan ang nakuha naming shop dahil sakto lang ang space na iyon para sa mga bicycle unit at motor parts.
Kaya nag renta sila mama ng isang bahay, ang may ari ng pwesto at bahay ay iisa.

Along the highway at tapat ng palengke ang nakuha naming shop noon. Pero ang bahay ay mga 5 mins drive mula sa shop namin. Along the highway din naman iyon pero papasok. May malaking puno ng narra sa gilid ng kalsada at may lumang gate kung saan papasok papunta sa bahay na inuupahan namin. Mga 10 mins walk mula sa gate bago makarating sa mismong bahay . Masukal ang daan at mismong paligid ng bahay namin noon. Sa daan papasok ay may mga puno ng acacia. Private property iyon ng may ari kaya kami lang ang naroon. Malawak yung paligid may nag tataasang mga talahib. Matagal na hindi natirhan ang bahay na iyon based sa may ari dahil nakatira Sila sa taas ng building na inuupahan namin ng shop. Mabait ang may ari, matanda na din kasi sila at vibes nila papa at mama kaya nakuha nila ang bahay sa murang renta lamang.
Sa paligid ng bahay ay madaming puno ng mangga, guava, at mga seedless na macopa.

Okay naman ang pag tira namin doon. Tahimik dahil kami lang ang naka tira. Sa may gilid ng bahay ay merong parang rest house. Malaki iyon na gawa sa kawayan at ang bubong ay nipa. Luma na iyon at wala ding gumagamit. Sa harap din ng bahay ay merong kubo na pahingahan namin o di kaya ay tambayan pagka may mga bisita kami. Sa likod ng bahay namin ay merong malaking puno ng mangga at kulungan ng baboy pero walang mga baboy doon. Nung nakalipat kami ay nag grass cutting si papa kaya medyo nabawasan ang mga damo.

Okay naman kami, ilang buwan na kaming nandoon at walang mga paramdam bukod sa napaka daming lamok. Walang nag paparamdam pero ako, as bata pa noon ay iba talaga pakiramdam ko doon. Hindi ako nag papaiwan kay mama dahil pakiramdam ko ay may kakaiba.
Di nag tagal ay napaka tumal ng negosyo, nag aaway magulang ko sa mga bills at mga pinag kakautangan pati sa tuition ko sa isang catholic school. Pero kahit papano ay nakakaraos kami at masaya kami.

Isang gabi ay inapoy ako ng lagnat. Tandang tanda ko ang gabing iyon kahit na ako ay 21 na ngayon hindi padin naalis sa isip ko ang mga narinig ko. Buong buhay ko noon ko lamang naranasan ang mag kumbulsyon. Kasabay ng pagkahapo ko ay ang lakas ng halakhak na naririnig ko mula sa likod ng bahay namin sa may babuyan. Nakapikit lang ako nung mga oras na yan pero sinasabi ko sa mama ko mga naririnig ko.

"Ma tumatawa sya, tinatawanan nya tayo ma."

"Mama nandiyan sya, lalake ma ang lakas ng tawa nya"

Dinig na dinig ko ang malakas na halakhak ng isang lalake kasabay nun ay ang pag buhos ng malakas na ulan kahit hindi naman umuulan nung gabing iyon. Naririnig ko lang. Gumaling naman ako at sabi ni mama ay kumbulsyon lang iyon dala ng mataas na lagnat.

Active kami sa church noon at mga bible studies. Pero lately ay Hindi na kami umaattend.

Lumipas pa ang mga araw ay lagi na nag babangayan magulang ko. Si mama ay laging mainit ang ulo sa lahat lalo na saakin, saamin ni papa. Di nag tagal si mama naman nagkasakit.
Pabalik balik ang trangkaso at ang daming rashes na lumalabas sakanya na napaka kati daw.
Pina doctor na iyon pero trangkaso lamang daw.
May isang kaibigan sila mama na kapit bahay ng tita ko na marunong mag hilot ng mga lamig sa katawan. Reflex ang tawag nila doon. Active din ang mag asawang iyon sa simbahan at mga gawaing pang Panginoon as in napaka tibay ng pananampalataya nilang pamilya. Nasasaksihan ko din ang babaeng iyon na madalas mag speak in tongues (latin if I am not mistaken) sa simbahan at mga bible studies.
Gabi na nung pumunta kami sa bahay nila tita at pinatawag ang babae na tatawagin nating "Lola Tess" hindi pa siya totally matanda pero auntie kasi ang tawag nila mama kaya lola ang tawag ko.

Tulog na ako that time bago dumating si Lola Tess. Ginising ako dahil ako muna ang pinamasahe at kagagaling ko din sa sakit.
Nung matapos ako ay si mama na ang sunod.
Nakaupo ako sa tabi kung saan minamasahe si mama.
Nasa kalagitnaan ng pag mamasahe kay mama ng biglang sinabi ni Lola Tess kay mama na banggitin ang "In Jesus name"
Doon na nag simula umiyak si mama, iyak tawa ito. By looking at her ay parang di ko sya kilala noong gabi na iyon kaya tumakbo ako palayo.
Pinatawag nila ang asawa ni lola tess at isang pastor. Hindi binitawan ni lola tess ang ulo ni mama nung mga oras na wala pa ang mga kasamahan niya. Naka patong lang ang kamay ni lola tess sa ulo ni mama na nakaupo at umiiyak sabay tatawa. Dumating ang pastor at may dalang bible. Pinipilit patinginin si mama sa mata ng pastor pero hindi ginawa ni mama at todo piglas sya sakanila. Pinapahawak sakanya ang bible ngunit parang takot at diri sya doon. Nag sasalita si mama ng mga bulong noon pero ang natatandaan ko lang ay "Ayoko, hindi nyoko mapipilit, hindi ayoko" pinalayo na din kami nung mga oras na iyon.
Bata pa ako noon pero ramdam ko yung takot at kaba tapos habang tinitignan ko si mama ay hindi ko sya makilala. Nagsuka si mama at agad itong pinadakot. Puro lamang iyon laway na malagkit.

Natapos ang exorcism nila kay mama. Nag simula na ang kwentuhan, mga payo sa buhay mula sa mag asawa at pastor. Tinatawag ako ni mama at pinapalapit sakanya pero hindi ko nagawang lumapit noon dala na din ng takot sa mga nangyare.

Kwento ni mama ilang araw na mabigat ang katawan nya. Kaya nag linis ito ng bahay para gumaan naman daw ang pakiramdam nya. Hanggang sa mag sasalansan na siya sa aparador ng mga natuping damit. Ang aparador ay may malaking salamin. Pagka sara nya nung pinto ng aparador kung saan naka lagay ang salamin at nakita niya mismo sa salamin ang kabaong at isang lalake na di nya matandaan ang Mukha. Doon daw nag umpisa lahat.

May koneksyon kaya iyon sa lalakeng humahalakhak sa loob ng isip ko?




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon