Scary Sagada Story
This happened back in March when I joined a Sagada tour by myself. Yung agency is pinagsama nila yung mga solo joiners sa isang room sa hotel we were staying in. We are all girls. It was the second day of our tour so close na kami lahat.
On that day we were scheduled to go hike to Marlboro Hills , so we had to wake up early. We had our alarm set at 3 am. Since 7 kami sa room we had to take turn sa bathroom. Yung nauna (let’s call her J), nagsabi sya na baka daw matagalan sya , kung okay lang ba saken. Sabi ko go lang. Nag-scroll muna ako through social media. Lahat na nung kasama ko is gising na, yung iba nag cellphone then yung iba inaayos gamit and yung dalawa tulog kasi they decided not to go.
After a few minutes, lumabas na si J agad. Medyo nagtaka ako kasi sabi nya matatagalan sya. Di na ko nagtanong , pumasok na agad ako sa CR.
After a while, may tumawag sa pangalan ko ng 3 times. Yung boses nya is lalake and parang yung boses is nasa labas ( kasi may bintana yung CR) natakot na ako so parang brinush off ko sya at nagmadali, then binuksan ko pinto and nagtanong ako kung bakit tinatawag nila ko ( kasi baka sila talaga yung tumawag saken, naghahallucinate lang ako) and sabi nila wala naman tumatawag saken. After nung tanong ko nagshare na rin si J na kaya daw sya lumabas agad sa CR kasi minadali ko daw sya , may narinig daw sya na boses ko nag nagtatanong kung matagal pa daw sya sa CR. When all that time that I was waiting for my turn di naman ako nagsasalita kasi nag cecellphone at bagong gising. Mas lalo ako natakot pati sila. So sama sama na kami nag cr after 🤣
Second time it happened , after na nung hike namin. Nagmadali ako sa CR kasi erna na erna na talaga ako. Di na ako takot this time kasi umaga na, mga 10 am.
Nung nasa CR na ako while doing it, yung isa kong kasamahan ( si Ate M) nagtanong saken kung matatagalan pa daw ako. Di ko sya sinagot. Tinapos ko na lang yung ginagawa ko. Paglabas ko tinanong ko kasama ko kung nasaan na si Ate M. Sabi nila lumabas daw agad after namin dumating from hike para magkape and again wala daw sakanila nagtanong sa akin 💀💀💀💀💀
I’m so glad na hindi ako sumagot dun sa mga nanglalaro sa akin, kasi sabi ng mga matatanda, wag daw sasagot. Also I’m not new to this. Palagi ako nakakaramdam, they always call me by nickname, that was the first na may tumawag saken ng buong pangalan ko.
Yun lang. Sana hindi magulo. Share din kayo ng scary Sagada story nyo below 😬
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.