Butas sa Kubo

15 2 0
                                    

Butas sa Kubo

Hi again! It’s your anonymous girl na nasilipan sa NLEX gas station! Hehe. Share ko naman yung experience ko nung nagpunta kami ng Leyte. So eto na nga…

Abril ng taong ito noong nagpunta kami ng asawa ko sa Leyte para bumisita sa mga kaibigan. Nakituloy kami sa kaibigan namin na caretaker ng isang beach camp. Yung kwarto namin simple lang na kubo. (Hindi ko na ishare yung exact picture for their safety at baka mahulaan niyo na naman gaya nung gas station haha. Pero mukhang ganito yung kubo sa picture).

Weekday yun kaya kami lang ang guests. Sumapit ang gabi at kami ay naghanda na para kumain at makipagkwentuhan sa mga kaibigan, makipaglaro sa mga anak at aso nila. Mag 11pm na noong kami ay nakaramdam ng antok kaya pumunta na kami sa aming kubo. Madilim ang daan papunta sa aming kubo. Pero aninag naman dahil maliwanag ang buwan, isama niyo na yung flashlight ng aming cellphone. Safe naman kami nakarating sa aming kubo, at nagayos kagad para kami ay makatulog na. Ang kama pala ay nakadikit sa pader na yari sa nipa, ako ang nakapwesto sa tabi ng pader. Naunang nakatulog ang aking asawa, ako naman ay nagfafacebook pampatulog. Sobrang tahimik kaya mejo nakakaaning. Kapag tahimik pa naman ang paligid, parang naaalert ang senses ko kaya ako ay nakiramdam (gaya nung nasa CR ako ng gas station) at lalong nakakapraning kasi madilim. Habang nag fafacebook ako, biglang nagtahulan ang mga aso na umaangil parang nag aaway at naghahabulan. Okay baka away aso lang kako. So balik ulit sa facebook. Mayamaya lang ay may pumagaspas sa taas ng kubo namin. Umiikot ang tunog. Pagaspas sa kaliwa, paikot sa kanan. Mga dalawang beses din na ganun. Ginising ko asawa ko  sabi ko pakinggan niya. Sabi niya baka daga lang daw. Daga??? Ganun kabilis umikot na pumapagaspas sa bubong ng kubo? Manok siguro pwede pa, o paniki kaso parang maliit masyado. Pero wala naman akong manok na nakita pagdating namin doon. Kinuha ko dahan dahan yung Himalayan Salt Candy ko. Yun lang meron ako, baka pwede yun kung sakali pangontra ba… salt naman e 😅. Pinatay ko phone ko at baka kako alam ng kung ano man yun na gising pa ako at naaaninag niya yung ilaw ng phone ko. Pumikit na lang ako at patuloy parin na nakikiramdam. Sa gilid ako nakapwesto kaya dinig na dinig ko ang mahinang pagkaluskos sa gilid ko. Patuloy na kumakaluskos at maya maya’y  may nararamdaman akong humihipo sa buhok ko. Nilakasan ko ang loob ko at dahan dahan kong kinuha cellphone at inilawan kung san banda ko naramdaman ang paghipo sa aking buhok. Pagkatapat ko ng screen light ng cellphone ko, yung tela lang pala na natanggal sa pagkakatali sa pader. Anak ng… Yun siguro ang humihipo sa buhok ko habang hinahangin. Dahil dun pinilit ko na matulog.

Kinabukasan kinwento ko lahat sa asawa ko. Syempre natawa lang siya, praning lang daw ako. Pagkalabas namin ng kubo, napansin ko sa gilid ng kubo ang butas malapit kung san ako nakahiga. Pinakita ko sa asawa ko at maski siya ay napaisip. Ito kaya yung dahilan kung bat may narinig akong kaluskos at kaya natanggal sa pagkakatali yung tela na nagsisilbing pantakip sa loob ng kubo?

-B



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon