Share ko lng experience namin ksi naiisip ko lng bigla na kahit matagal ng namayapa ang ka pamilya natin pwede pa rin magparamdam maaring para humingi ng dasal or nagpapaalala lng..
Ilan taon ng namatay Daddy namin around 8-9yrs na yata.. naka tira na kami sa bagong house di namin naisip mag display ng mga old photos ng family & nakatago mga photo albums. may asawa & 2 anak na un bunso namin, un panganay 5yrs old. Dahil abala sa pang araw-araw di namin naisipan ipakita un photo ng Daddy (lolo nila) namin sa mga bata & i think di rin masyado naikwento sa knila..
Minsan nasa dining table kmi masayang nagkwentuhan bgla lumapit un 5yr old sa Daddy nya at tumawa sbi "ay, si Daddy kamukha ni lolo pilo!" Nagulat kami lahat at kinilabutan ksi si lolo pilo ay father namin ng mommy ng bata... sa amin pagkaka-alam di pa familiar un bata sa lolo nya. Ang suot ksi ng daddy nya that time sando puti na plain un karaniwang pambahay at nagsuot ng black-rimmed eyeglasses ksi nag co-computer.. ganun ksi usually suot ng Daddy namin pag nasa bahay. nagulat kmi lahat at tinanong namin sinu si lolo pilo at bkit kilala mo sya..
Sagot ng bata: "nakita ko sya sa kwarto ni lola naka upo sa kama tinawag nya ako kaya lumapit ako.. nagpakilala sya na sya daw lolo pilo namin.. alagaan ko daw si lola... "
Gulat kmi lahat ksi di karaniwang pumapasok un bata sa kwarto ng lola nya although madadaan mo un pinto papunta sa ibang kwarto ksi una syang pinto sa hallway pagka akyat .. Un Daddy din kasi namin paboritong suot pambahay ay sandong puti meron din sya suot na eyeglasses na parang un kay ninoy aquino..
Para ma prove namin kung totoo un kwento ng pamangkin ko, naglabas kmi ng old family photo.. un maraming nasa picture na mga tito/tita ksi reunion un & pinaturo namin sa bata kung nasa picture ba si lolo pilo.. madali nyang naituro kung sinu nga ang Daddy namin.. na guilty tuloy kami ksi parang nakalimutan namin ipakilala ng maayos ang lolo nila sa kanila kaya sya na mismo ang dumalaw & nagpakilala.. sa tingin ksi namin bata pa masyado pra sa mga lumang kwento ng pamilya.. kaya simula noon nag display na kmi ng mga family photos around the house pra makilala nila lahat ng family members khit matagal ng namayapa na...📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
CasualeAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.