--Mother's Comfort--
Si Rea ay dumating sa Cavite last 2019. Punong puno ng pag-asa na magagamit niya yun pinag aralan niya sa pagiging Maestra. Tubong Bicol si Rea at di siya pamilyar sa Cavite. Napadpad siya sa isang tuluyan sa Dasmarinas, Cavite. Ang set-up, ang inuupahan niya ay isang bahay na may 2 kwarto. Meron siyang kahati na gumagamit ng isang kwarto, isang babae na nagtrabaho sa Factory, at malimit, siya lang sa gabi, dahil pang night shift yun ksama niya.
Nun mga unang lingo ay tila payapa naman, kahit siya lang mag isa sa magdamag. Pero nagsimula ang kababalaghan nun nagsimula na si Rea ma- "Homesick" sa kanyang pamilya sa Bicol. May mga gabi na di niya mapigilang mangulila at maiyak habang naaalala niya ang kanyang pamilya. Di biro ang layo na tinitiis niya.
Minsan sa sobrang iyak ay naka tulog si Rea ng biglang siya ay muling nagsing dahil may nararamdamam siyang humahaplos sa kanyang buhok . Mayroon mahabang buhok si Rea at ramdam na ramdam niya na may humahaplos na kamay pababa sa dulo ng kanyang buhok. Ito ay maka ilang ulit, di niya nakuhang dumilat nun una dahil sa takot, na baka ito ay rapist, pero napag isip isip niya na kailangan niyang lakasan ang loob at harapin ang kung sino man. Dumilat siya ay biglang pumaling, ngunit wala siyang taong nakita sa kwarto. Tumayo upang i check ang pinto ng kanyang, kwarto, ngunit ito naman ay naka kandado sa loob. Binali wala na lang ni Rea, sa pag aakala na baka ito ay panaginip lang.
Dumating ang ilang arw, nalumbay na naman si Rea at di pa rin napigilan ma Homesick, patuloy pa rin na umiiyak siya sa gabi, ngunit itong sumunod na nagyare, ay di niya na kayang bigyang paliwanag, ng sa kadahilanan na siya ay gising na gising. Muli, sa knyang pag iyak, nakaramdam uli siya ng paghagod ng buhok sa kanyang pagkakatagilid sa kama. Ramdam ni Rea yun haplos ng kamay mulan bunbunan pababa sa bandang batok. Maka ilang ulit na hagod, at tuluyan na siyang naiyak, di dahil sa lungkot, kundi sa kilabot. Alam na alam niya na di na tao ay gumagawa noon dahil alam niya na nakakandado naman ang kanyang pinto.
Matapang niyang nilingon ang kanyang likuran, ngunit wala na naman siyang nakita kagaya nun una. Natulog siya ng bukas ang ilaw at nakikiramdam sa mga susunod na mangyayare.
Naulit uli ito. Napansin niya na sa tuwing siya ay nalulungkot at umiiyak, doon niya nararamdaman na may humahaplos sa kanyang buhok, na parang siya ay kino comfort. Di malaman ni Rea kung siya ay matatakot or ma totouch sa kanyang karanasan. Pero no choice siya kundi pagtiisan, tutal di naman ito araw araw nagpaparamdam.
Feel naman ni Rea, na wala naman masama sigurong intensyon sa kanya yun spirit na yun. Pero sympre, di pa rin okay, na nararamdaman niya ang hawak ng mumu.
Umabot na sa peak na di na mapakali si Rea. Umabot na kasi sa punto na, di lang haplos ng kanyang naranasan. One time, di uli maiwasan na mapa senti si Rea at nangulila sa kanyang pamilya. Umiyak na naman siya isang gabi. Naulit uli ang haplos na naramdaman niya sa kanyang buhok. Napahinto siya sa pag-iyak at nagtangka siya na hulihin ng tingin ang sinumang humahawak ng kanyang buhok. Habang unti unting pina plano ni Rea ang dahan daahang pagsulyap, ay biglang nakarinig siya nang pag awit. Kumakanta ito ng himig. Walang binibigkas na salita, kundi parang isang pag-hele. Habang patuloy na hinahagod ang kanyang buhok na kung sino man, ay patuloy ang pag kanta nito. Boses matandang babae, biglang pinaling ni Rea ang kanyang ulo, at nagulat siya sa kanyang nakita, dahil ito ay isang matandang babae na walang mukha. Itim lang na blanko, wala siyang naaninag na kahit ano. Nakaupo ito sa kanyang tabi. Napatayo siya sa takot at dali daling binuksan ang ilaw. Tumawag siya sa kanyang caretaker na nakatira malapit lang at nagpasama siya sa inuupahang bahay.
Di niya makalimutan ang karanasan na iyon. Di rin alam ng care taker ang kwento ng bahay dahil marami na raw kasi napatira doon, at pinagkatiwala lang naman ito ng pamangkin ng dating may-ari. Wala nga raw tumatagal sa bahay na iyon, pagtataka din ng caretaker.
Dito nagtatapos ang kwento ni Rea. Sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin kami ng kanyang mauupahan. Ayaw niya na rin magpatuloy pang tumira doon kasi baka di lang daw hele ang susunod na gawin ng kaluluwa.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
De TodoAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.