"LOLONG NAKA-BARONG"
Warning: Long post ahead.
This happened years ago.
Went to visit a family sa place na to, but ended up taking a job dun sa isang computer shop. Summer job lang naman kaya tinanggap ko na. This time kasi, college student pa ako at hikahos sa pera talaga. 7K din yun, with free foods and drinks.
May fridge dun sa loob ng shop na madaming drinks at snacks. May naghahatid din ng lunch ko at dinner and usually, masarap. Uso that time yung iPhone SE (yung parang iPhone 5). Eh social climber ako, kaya nasa priority ko mag extra extra para jan kesa magpa-book bind ng thesis namin. Eme
Yung work ko lang nun talaga is magbantay ng shop. Pero since wala masyado customer (unless kung may request for printing), naglilinis nadin ako ang sahig at CR (may bata sila na inuutusan for this, pero inako ko na) since napipikon ako dun sa dumi sa white na tiles. As you can imagine, very easy ng job ko. Air-conditioned din ang shop.
Yung shop is nasa parang patay na street. I mean, di na sya dinadaan ng cars. Kung motor man, minsanan. Dumadayo lang talaga yung mga customers dun. Minsan para manuod ng XXX since wala nga foot traffic dun. Halos lahat ng bahay dun is parang 1970s to 90s kasi santan pa at duranta (search nyo nalang haha) yung mga ginamit na hedges. Walang masyadong nakatira din dun kasi karamihan is nag migrate na. Maliban sa family ng may-ari ng shop.
Yung shop kasi na to is garage nila dati pero yung main ng bahay, connected padin. Yung kapatid ng may-ari ng shop ang nakatira dun at family nya (isang teen), kasama din yung papa nya na matanda na.
Since connected nga yung shop sa bahay, may isang window dun na jalousie na pag binuksan mo, yung loob ng shop na agad makikita mo. That said, minsan bukas yun kaya kita ko ang loob ng bahay kapag nasa control desk ako.
Never been inside but aware ako na luma sya. Yung sight ko na yun sa window rekta sa living room, tapos isang pintuan papuntang dining. So silip ko din yung dining table nila na kahoy. Ang gara pero luma. Sa likod ng table is mismo yung lababo nila at jalousie-type ulit na window na always open. Parang kakahuyan ang likod. Yan ang line of sight ko from my desk to the window.
Dito na din pala ako natutulog ha since 12AM kami nagsasara. Mabait naman si kuya, yung kapatid ni madam pero ayaw ko talaga makipag-close sa kanila. Abroad yung asawa nya. Nurse sa England.
First week ko sa shop. Palagi ko nakikita etong papa ni madam. Naglalakad lang sya dun sa loob ng kusina pabalik-balik lang. Ulianin na kasi daw yun, so gets ko naman. Palagi din sya nakabarong at slacks kasi dati syang abogado at kako baka nakasanayan nya yan. So normal.
One time, sumilip sya sa jalousie, nakatitig sakin. Naka smile pa sya. Naka barong padin tapos halata mo na subrang tanda na nya kasi lubog na yung mata nya. Aaminin ko, natakot ako sa umpisa. Ang weird kasi ng smile nya tapos minsan, mga 6PM na sya sisilip dun. And the way light works, parang nagiging hollow at madilim yung eye part nya (see yung photo na I edited).
Tapos ayun, parang naging habit na nya. At ako naman, pinapansin ko at kinakausap kaso di naman sya nagsasalita. Pero okay lang. At least may kausap ako, and I was thinking what harm can the old man na ulianin do to me, right?
Three weeks in. Kakasarado ko lang ng shop. Although nakasarado ang jalousie, alam ko na patay na din yung ilaw ng living room kina kuya at ilaw nalang sa dining ang naka-on. Pailaw nila. Tapos biglang, bumakas yung jalousie. So ako, halos tumalon dun sa makeshift bed ko sa likod ng control desk. Sinilip ko. Shit.
Si lolo ulit. Nakasilip sya derecho sa akin tapos naka smile. So paano ako makakatulog nyan diba. Sabi ko sa kanya, "lolo, gabi na po. Matulog na kayo at magpapahinga nadin ako." Tapos bigla sumagot in bisaya na parang sabi nya, sige lang daw. Magpahinga na daw ako at magbabantay daw sya sakin. Sabay sabi na mabango daw yung buhok ko. Nagulat ako kasi never ko sya narinig magsalita before. It sounds like airy na parang magaspang. Pabulong din.
Na weirduhan ako sa comment nya sa buhok ko since malayo naman ako sa kanya. Impossible maamoy nya (may shower sa shop). Pero biniro ko pa yung matanda. Kako, ikaw lolo ha, malupet ka din sa linyahan etc. Tapos biglang bumukas ang ilaw sa CR. Certain ako na pinatay ko. Although never ko naisip na paranormal. Pero sabi ko baka di ko lang napindot ng maayos. Pagtingin ko sa bintana, wala na si lolo. So I went sa CR para patayin yung ilaw. Natulog na ako after.
Few days before mag end yung job ko, kinausap ko si kuya. Sabi ko, si lolo kako, minsan kahit hatinggabi, nagbubukas ng jalousie tapos tinititigan ako. Natawa sya. Sabi nya, ila-lock nya nalang daw yung pinto pag gabi para di na lumabas ng room.
Pero that same night. Here is lolo again. Watching me behind that jalousie. Dedman. Tulog. Tapos parang madaling araw nun, biglang may naramdaman akong may malamig na kamay na humihimas sa buhok ko. So napatalon ako. Pagbangon ko, si lolo. Nakatayo. Nasa loob ng shop. Nakangiti. Nakatitig sakin habang pilit na nagsasalita ng pabulong. So tumakbo ako palabas ng shop at kumatok next door.
Si kuya yung nagbukas ng door. At yun na nga. Ginising nya yung anak nya at sabi dalhin daw muna ako dun sa batchoyan na malapit sa mercado (madaming kainan pag madaling araw dun). Nanginginig pa ako. Yung anak nya naman na same age ko lang, parang na badtrip. Kasi mga 2AM na to eh. So natutulog na talaga sya. Sabi ni kuya, sya na daw bahala kay lolo at tinanong ako kung may gusto ba ako kunin sa shop. Sabi ko yung wallet, tapos phone. Ayaw ako pasamahin sa loob ng shop! Anyway, umalis kami ni pogi. Kotse nila yung gamit.
Pagdating namin sa batchoyan, tamang tama at nakita ko pinsan ko na galing gimmick. So sumama nalang sya samin din kumain. Di na din ako ng kwento about dun sa lolo kasi baka ma offend lalo si pogi (libre nya). Di na din ako bumalik sa shop that night. Patapos naman na din kasi yung job ko. So sa pinsan ko na ako nakitulog since dun naman talaga ako dapat magbabakasyon sa kanila. Got my remaining money from the job. Bid farewell. At moved on.
Akala nyo tapos na? Haha
Year 2019. T*ena, yung pinsan ko pala ang bet ni pogi at kasal na sila this time. Dun sa batchoyan lang din yung first meeting nila. So if not for me and lolo, di sila magme-meet. So ayun na nga, andito na sila sa manila that time. Nag "udon" kami sa BGC (not gonna mention name but you know naman yata), sabi ko libre ko. Since nakakaluwag-luwag naman ako physically at financially hahaha (ikaw ba naman jowain ng half black American charity 😆).
After namin kumain, sa labas ng mall, naghanap kami ng place to hangout. At yun usap-usap, nomo. Then I mentioned lolo. I asked kung buhay pa ba si lolong mahilig sa hair. Sabi ni pogi, three months after ko magduty sa shop ng tita nya, namatay si lolo. I felt bad asking.
Sabi ko nagugulat ako minsan dun eh. Sumisilip sa jalousie. So yung pinsan ko napanga-nga. Sabi nya sa asawa nya, "diba paralyze waist down si lolo mo? So paano yun nakakatayo?" He confirmed. So sabi ko teka, so sino yung matanda na nakita ko?
Sabi ni pogi, may multo daw talaga dun na matandang nakabarong. Baka daw yung unang may-ari ng bahay na kilalang rapist dati at killer pero dahil makapangyarihan, namatay ang p@ta ng hindi nakakatikim ng rehas. Hindi din daw nagbabarong si lolo nya. Shirt lang daw yun kahit sa office nila dati. Di ako makapaniwala. Kahit ako nag reality check eh kung legit ba na dinala nya ako sa batchoyan. Kung ano ba yung itsura ko that time, kung takot na takot ba ako or mukhang high lang etc. Natawa sya. Sabi nya, kung di totoo yun, sana di nya asawa pinsan ko ngayon.
Nasabi din ni pogi na alam ng papa nya na minumulto ako the moment na nagsabi ako na nagbubukas si lolo ng jalousie kasi impossible naman yun kasi nga paralyzed yung papa nya. So di nalang sinabi sakin. Baka daw di ko matapos ang duty ko eh nasakin na yung 5K nun. Buang. 😂
Umalis nadin sila sa bahay na yun. The house remains as well as the shop pero convenience store na. Yung house, remodeled. Yung street buhay na ulit at madami na nakatira dun.
— NIKON
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.