SA IYONG NGITI
Hi! Ako ulit to si Zy yung nag share nung story na dasal. Binabasa ko lahat ng comments nyo and to be honest nag dadasal naman po ako ng mataimtim at mula sa puso din tlga 😅 siguro meron lang tlgang entity na talagang aasarin ka. Open din 3rd eye ko simula palang grade 3 ako. Basta kwento ko nalang din sa sunod pano naopen to hahaha
Balik na tyo sa kwento. Medyo mahaba to so bahala na si batman 😂 paki intindi nalang ksi nahihirapan tlga ako kung pano yung maayos na format huhu.
Way back 2014, umuwi kami ng province around mimaropa ayoko na banggitin yung exact na lugar basta andyan sa mimaropa part. So eto na nga, Kasal ng pinsan ko so basically ang kasalan sa probinsya eh madaling araw palang dpat nag pi'prepare na kayo, Abay ako non.
Btw, si groom yung pinsan ko. Then yung bahay ni bride is malayo pa sa bahay ni groom around 2 and half hours byahe. 1am palang gising na kmi nag aasikaso na para pumunta sa bahay ni bride kasi nga need na 3am andon na lahat ksi aayusan pa lahat ng abay. Umalis kmi around 1:30am to be exact and ang gamit namin is tricycle na walang bubong. Gets nyo ba? Hehe. yung tricycle na parang pang deliver ganon. 3 kmi sa backride, Ako, kpatid ni groom na lalaki( sya driver) at pinsan ko babae ktabi ko sa backride. Sa loob is yung dalawang pinsan ko na bata and isang senior citizen na kapit bahay nmin don na nakisabay samin. Bale 6 kami in total.
alam ng mga pinsan ko na may 3rd eye ako so takot sila ksi nga baka kung ano ano nanaman daw makita ko sa daan kaya pinapa pikit nalang nila ako. Pero ako na si naiilang eh nka dilat pa din. Paglabas palang ng baryo nmin may nakita nakong babaeng nka puti sa may bandang poso, duguan yung mukha and gula gulanit ang damit kumaway pa skin.
Pero ako dedma sanay na eh.Then, nung nasa kalsada na kmi sa highway na puro linang (palayan) yung magkabilaang gilid ng kalsada. Nagtaka ako kse may nakikita akong magsasaka na nagliliyab yung ktawan tapos naka tinggin lang sya smin habang nadaan kmi. (pero quiet lang ako tlga ksi ang mga pinsan ko magsisigawan tlga sa tricycle yon) after nmin maka lipas don sa lalaking nag liliyab mga 5mins sguro yon p*ta nagulat ako kse yung magsasakang nakita ko sa palayan andon na sa tabing kalsada na mismo tapos naka titig skin at HINDI na sya nag liliyab kundi KITANG KITA MO NA SUNOG NA SYA AT ITIM ANG BUONG KATAWAN NA LUSAW YUNG PALIGID NG MATA NA NAKATITIG SKEN NG MASAMA 😭 ang ginawa ko pumikit ako, nag pray ako ng angelus non.
After non sa baba nalang ako ng kalsada nka tinggin kse nga daming entity susko po
Papasok na kmi sa baryo ni bride, one way lang don kse yung kalsada isang pahaba lang. Pero yung paligid ng kalsada na dadaanan mo is magubat tlga and sobrang lalaki ng puno.
Swabe naman nung una, nag soundtrip muna ako. naka earphone ako non hanggang sa mapa tinggin ako sa punong malaki, may lalaking itim na sobrang tangkad na may ksamang bata na naka tinggin sakin, pulang pula yung mga mata nila. Dinedma ko nung una kse nalipasan na nmen yung puno eh hanggang sa nagtataka ako parang sinusundan nila ko. Kada may malalaking puno na makikita ko andon silang dlawa. Yung batang itim nanlilisik mga mata nya tapos naka titig sakin at naka ngiti ng sarcastic, syempre patay malisya ako. Pinipigilan kong wag magsalita sa mga pinsan ko na may nakikita nako. Pero ang pinaka nagpa lundag ng puso ko nagulat ako nung yung batang itim na nka ngiti nasa gilid na sa dinadaanan nmin 😭 yung as in kaya kanag kalabitin sa sobrang lapit. Pagkalipas nmin don sa daan na malapit yung bata tumirik yung tricycle. Ang ginawa nmin bumaba muna kmi, Pag tinggin ko sa oras mag aalas tres na ng mdaling araw. Pinilit kong hindi lumingon sa likod ng tricycle kse alam ko andon yung bata. Madilim yung paligid sobra tapos puro kuluglig sa paligid lang maririnig mo, cellphone ko lang nagsisilbing ilaw habang pinipilit padyakan ng pinsan kong lalaki yung tricycle.A few minutes later, nag start yung tricycle. Pagka start ng tricy umilaw yung head light then boom! Gulat na gulat ako at halos mahulog puso ko nasa tabi ko na yung batang itim na nka ngiti, pulang pula ang mata at ang sabi nya skin, "Dito ka nalang" sabay naka NGITI na parang nanloloko at nung yung kamay nya akmang hahawak sa braso ko. Ang ginawa ko sumigaw nako, sbe ko p*tan*inaaaaaaaaa!!!!!!! p*t**naaaaaa!!!!!!! umalis na tyo bilissssss!!!! Knina pa tyo sinusundan nung batang itim 😭 nanlalamig ako naka kapit sa braso ng pinsan ko then yung senior citizen na ksama nmin nagdadasal na tas yung mga bata sa tricycle nag iiyakan na. Pina harurot ng pinsan ko yung tricy habang pinapa ingay yung busina tapos ako pumikit ako nag dasal ng nag dasal. Hanggang sa may nka salubong na kming single motor, kpatid pala ni bride. Inescort kmi ng kpatid ni bride hanggang mka rating sa bahay nila ang guess what!!!! 4:30 am na and knina pa daw kmi inaantay ksi tawag na ng tawag skanila yung groom na nagsabing knina pa kming 1:30am umalis 😭. Tsaka ko na kinuwento skanila nung tanghali na at nasa loob na kmi ng simbahan. And lahat sila kinilabutan! Hanggang sa sabi skin ng pinsan ko na lalaki yung nag drive pag tinggin nya daw sa side mirror nakita nya daw sa side mirror na yung bata ay kumakaway samin ng naka NGITI!
Habang tinatype ko to kinikilabutan ako lalo kse may naaamoy akong amoy sigarilyo dto sa loob ng bahay eh wala naman taong iba dto kundi ako at anak ko lang tas nka sarado na gate nmin sa labas 🤧
Osya! Ingat kayo sa byahe, lalo na sa mga naka motor. Wag kayo titinggin sa side mirror kse baka makita nyo may nka ngitin din na nag bababye sainyo :)
Godbless everyone!
Eto link nung sa una kong story na dasal
https://www.facebook.com/groups/letstakutanpare/permalink/828774798941994/?mibextid=Nif5oz-Zy
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.