Walang Matutulog nang Maayos

13 1 0
                                    

"Walang Matutulog nang Maayos"

this has bugged me ever since talaga. just to set the story, may kasama ako sa kwarto matulog which is lola ko. although, iisa kami ng kwarto, separate ang beds naming dalawa. in short, ako lang mag-isa sa bed ko and yung lola ko is siya lang rin mag-isa. my lola is close to being bedridden as she had a mild stroke. hindi na talaga siya masyadong naglalakad at nagsasalita. pero nagtataka talaga ako kung ano o sino ang gumawa sa'kin ng mga bagay-bagay habang tulog ako.

nung natutulog ako isang gabi, mahimbing na ang tulog ko nun. bigla nalang parang may kumirot sa'king arm (left arm) nang napakalakas, kaya nagising ako at namilipit talaga sa sakit. kinapa ko kung saan yung masakit. hindi ko maaninag kasi sobrang dilim ng paligid. konti lang ang pumapasok na ilaw gawa ng ilaw sa veranda namin. nung kinapa ko na, may nafefeel akong basa at feel ko rin parang dugo siya nung time na yun. i was expecting that it was blood kasi sobrang sakit talaga ng pagkakirot or kagat for which i really cannot tell. ang ginawa ko to confirm was i smelled it. it smelled rusty and na confirm ko nga na blood yun. this all happened that night but i shrugged it all off and sinabi ko lang sa sarili ko na "bukas ko nalang tignan." pagod ako that time and i was just thinking na baka insekto lang yun.

kinabukasan, i checked my arm. may blood talaga and when i checked sa wound parang kinagat na parang kinurot or diniinan din ng isang nail na mahaba. ganon yung itsura niya. but then again, baka insekto lang talaga yun.

however, it happened again. it was not the day before but some time maybe a month or two after na. natutulog pa rin ako and it was the same scenario. nagigising ako dahil sa sakit. the second time it happened, kinapa ko pa rin siya pero wala na akong nafefeel na basa or blood. i still checked the wound pagkagising ko and nandun pa rin pero walang dugo. yes, i shrugged it off pa rin.

weeks later, dun ko lang na realize na baka iba na yun. kasi i had also experienced another weird experience while i was asleep but wala akong na feel or anything when this happened. i just woke up and went outside directly to see my lola since nauuna siyang magising. when i went outside sa parang veranda namin kung saan siya gustong tumambay, bigla nalang niya akong hinarang and she pointed out my lips. na weirdohan ako kaya bumalik ako sa kwarto at tumingin sa salamin. nagulat ako nang makita kong punong-puno yung lips ko nang parang blue na tinta. tinanggal ko ito at natanggal lang ito nung binasa ko itong lips ko.

palaisipan pa rin kung ano o sino ang gumagambala sa'kin tuwing natutulog ako. sa part naman ng blue tint sa lips ko, ewan ko talaga. para kasing sumipsip ako ng tinta pero pa'no ko naman magagawa yun eh tulog ako. sa lips lang din talaga siya may tint wala sa ngipin ko or ano. as per my kurot experience, ewan ko lang din. wala rin akong nakita or nakapang kamay, insekto, o kahit ano nung napabalikwas ako at nagising dahil sa sakit. hindi lang din ito yung mga nangyayari sa'kin pero i also had cases of bangungot at iba pang weird sleep experiences.

would like to add kasi baka factor din ito: we live near a cemetery here in cebu city. so near na nakaka over-the-bakod lang kami. but we live in a subdivision. magkalapit lang talaga.

anyway, thank you for reading. i am curious sa thoughts niyo about dito.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon