Tamang Hinalang Kulam

29 1 0
                                    

Please hide my identity. Not nakakatakot. But long post ahead kasi may gusto lang akong linawin at ito ang paraan ko para mabigyan lunas tong sama ng loob sa dibdib ko.

"Tamang Hinalang Kulam"

Please bear with me as this is my first time posting here at hindi ako magaling magkwento kaya pasensiya na talaga.

I endured the pain for the past 4 years now.
I was happy with my bf (Which is my husband now.) But hindi ko alam na ang kasiyahan ko pala is matatapos din agad after kami ikasal. Don't get me wrong, me and my husband, we are in a good relationship. We had a son which is 1 year and two months old now.

Both parents ni Hubby samin nakatira and yung kapatid niyang babae. Mother niya is Teacher sa isang paaralan sa caloocan papasok ng MCU. Father niya is retired OFW. Kapatid niya is in highschool ngayon. Dating Seaferer ang asawa ko, nang nagkapandemic hindi na natuloy makaalis ulit. Marami siyang inapplyan na work muna dito sa pinas pansamantala until we decided na mag move dito sa pampanga.

Year 2021 nang biglaang magkasakit yung Mother ni Hubby. Biglang nanghina, nagkaron ng mga memory lapses etc. In short hindi na makapagturo at napa early retire na. May pagkakataon na konting lakad lang ng biyenan ko bigla nalang nanghihina, or worst, bigla na lang siyang babagsak. May time na nagiging unresponsive siya. Biglaan talaga ang pagkakasakit niya. Naka ilang beses nang na confine biyenan ko sa taong 2021 and awa ng diyos ay kasama pa rin namin siya till now. In other words, both parents ni hubby wala nang extra income and yung pension ni mommy niya is makukuha pa at the age of 60 years old pa.

October 2022 Someone sent me a message via messenger (Ofcourse from a dummy account). Sabi niya sa message niya sakin "Alam mo ba na sabi nila na ikaw ang puno't dulo ng pagkakasakit ng biyenan mo? Dahil siguro gusto mo nang maging free sa obligasyon." Sabi ko, "Excuse me, anong ibig mong sabihin?" "Ano pa ba? Ikaw ay gumamit ng itim na mahika para kulamin ang biyenan mo. Hindi mo ba alam pinagkakaisahan ka ng pamilya ng asawa mo sa side ng tatay niya? Halos ayaw ka nila tingnan sa mata dahil natatakot sila na baka pati sila gawan mo ng itim na mahika." I was shocked. Bigla akong binlock para hindi ako makareply. And before mag message yang tao na yan, narinig ko nga na nagpatawas yung biyenan ko daw. It's just I haven't heard kung anong findings nung nagtatawas. Pero nagtataka na ako kasi nagpaparinig yung biyenan kong lalake minsan na kung sino man yang kumukulam sayo d€m*nyo talaga yan. And also that person na nag pm sa messenger seems to know us all, na parang kilalang kilala niya kami. Those were the words na nabasa ko, at that time I was I just gave birth to my two month old son. Nasa process pa ako ng PPD. I tried calling that person pero di sinasagot call ko sa messenger, block and unblock ginagawa niya. I felt so stressed kasi how can someone accuse me of doing something I'am not capable of doing. I leave all the worries and problems to god. Ma-complain akong tao but it never crossed my mind to do such thing. I attempted na mag $u!c!de but I was not successful dahil naputol ang tali ng cable na tinali ko sa kisame.  I was not in my right mind that time kasi after ko manganak I suffered from PPD.

Is there a way for me to prove them wrong? I mean like talaga magpapa prove na wala akong kinalaman sa binibintang nila? Nakakadissappoint lang talaga sila for me. Like of all people why me? If they hate me so much why not tell me frankly, bakit need pa gumawa ng ganitong istorya? Yun lang po maraming salamat ka #latp sana may makapag sabi pano ko mapapatunayan yung maling hinala nila.

#Redcry23


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon