Premonition or coincidence?
Hello i just want to share this. Di ako sure kung coincidence lang ba to pero tatlong beses na kasi syang nangyayare i just want to know lang kung may naka experience na din ng ganto.
So year 2019 around feb or march bigla na lang pumasok yung thought ko na WHAT IF MAMATAY SI TATAY (lolo ko) MABUBUO KAYA KAMING PAMILYA? ganun yung biglang pumasok sa isip ko as in super random nya lang. Then april 2019 namatay nga yung lolo ko as in sobrang gulat kaming lahat sa nangyare pero that time di ko pa naiisip na baka dahil sa what if ko yun kaya sya namatay so fast forward. This year twice naman nangyare yung random thought ko, so january of this year nag wowork na ko as call center agent, then i have this friend tapos habang nag huhuddle kami bigla na naman akong nag isip na WHAT IF MAMATAY TO? (yung friend ko) PUPUNTA KAYA LAHAT NG KATEAM KO? then ayun nga the next month namatay nga yung friend ko. Then yung last naman is nitong august lang, may ex kasi ako na hindi pa ko nakaka move on. So habang nag yoyosi ako sa yosi area umandar na naman yung random thought ko na WHAT IF MAMATAY SI UMBAW (ex ko) PAPUPUNTAHIN KAYA AKO NG PAMILYA NYA? tapos after a week may namatay sa kanila pero lola naman nya. Dun ko lang narealize na parang lahat ng what if ko or random thoughts ko namamanifest.
May good side naman sya hahahaha katulad nalang nung nag paplano kami ng mga tropa ko na gumala sakto yung isa kong tropa walang work tas habang mag isa ako (syempre) bigla kong naisip na WHAT IF MATANGGAP SYA SA INAPPLY-AN NYA HINDI NA KAMI MAKAKA GALA, tas ayun nag tetraining na sya ngayon. Na tanggap nga sya HAHAHAHAH
By the way may lola ako sa zambales na may anting anting yung lola ko then bago sya mamatay gusto nyang ipasa sakin yung anting anting pero di ko tinanggap. Hindi ko alam kung may kinalaman ba yun or it’s just coincidence lang
Sana mapost admin thankyou!
Pililla📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RastgeleAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.