Aswang na Doktor

16 1 0
                                    

Aswang na doktor

Naniniwala ba kayo sa aswang? Well sa pamilya namin oo dahil manggagamot yung lolo ko plus taga probinsya din kami.

Nagyari ito noong 2017 ,yung tita ko ay buntis first baby niya kaya excited na siya manganak. Dahil nga mahirap ang buhay pinili niya manganak sa pampublikong hospital. Isang gabi iyon tinawagan ng tita ko ang lola ko dahil manganganak na siya hindi na kinaya ng tita ko mag antay kay lola kaya pumunta nalang sila ng asawa niya sa hospital. Kabilin-bilinan pa ng lola na huwag niyang taggalin ang anting-anting na naka gapos sa kanyang tiyan para kasi ito sa proteksyon sa mga aswang o masamang elemento, ngunit hindi nakinig ang aking tita at inalis ito bago siya pumunta ng ER kaya nung pagdating ng aking lola wala siyang na datnan na bata kundi malamig na sanggol na karga ng aking tita sabi ng doctor overdue daw yung bata ngunit hindi naman kasi sabi ng kanyan OBGYN na sakto lang naman kaya kinausap ng aking lola yung doctor nung pag kita ng aking lola sa doctor may na raramdaman siyang kaka iba , sabi kasi ng tita ko bigla daw siyang nawalan ng malay habang  pinapanganak niya yung bata nagising nalang siya na yung doctor nalang yung nasa harapan niya at kinakarga yung bata at sabay sabi “ iha ikinalulungkot kung sabihin patay na yung anak mong lumabas” ngunit ang hindi maintindihan ng tita ko ay bakit patay na healthy naman daw yung baby last check up niya. Kayo nung dinamitan na yung bata may nakita silang itim na bilog na parang scar sa bandang ulo nito

Kayo anong thoughts niyo sa nangyari?

PS. may anak na yung tita ko ngayon second baby na niya at hindi na siya don nanganak sa dating hospital


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon