Creepy Dorm Experience

21 0 0
                                    

Hello po, share ko lang dorm creepy experience ko wayback 2017.

Sa dorm po namin okay yung facilities may apartment type may per rooms din good for 3 pero usually for 2 lang. From good for 3 na rooms ako lumipat ako sa room na for 2 lang dahil ako nalang naiwan don sa tatluhan. May karoomate ako pareho po kami girl.

Since nalipat po ako sa room na yun dun na po ako nakaexperience ng creepy na nightmares minsan magkakasunod na gabi pa lalo na pag nakakatulugan ko sa gabi at di ako nakakapag pray. Hindi naman po ako relihiyosong tao pero pagka gabi nagdadasal talaga ako. Kaya lang pag busy pagod at late nauwi madalas pag higa tulog agad. Then dito na nga po nagstart ako managinip ng mga weird things nung una hanggang sa naging bangungot na siya to the point na naapektuhan na pati pag tulog ko sa gabi kasi natatakot ako matulog baka bangungutin nalang ako at di na magising.

Yung weird things na napapaginipan ko nung simula from usual na scenario like habang nasa school o kaya habang kumakain lang usual things sa everyday life nandun din mga kakilala kong nakakasalamuha ko kaya lang siya nagiging weird dahil after some time habang nangyayari yung panaginip ko bigla bigla magchechange yung mga kausap ko sa mukha ng tao na di ko naman kilala or parang magiging blurry sila na white figures/ black figures habang kinakausap parin ako habang may sinasabi sila na di ko naman maintindihan pero alam ko lang nagsasalita sila saka sila tatawa then ako nalilito kasi di ko nga sila maintindihan saka ko marerealize na nanaginip ako and bigla nalang ako magigising. Paulit ulit lang na ganun, hanggang yung weird na panaginip naging mas weird at nakakatakot na.

Usually kasi ako pag nanaginip ako pag gising ko after ilang minutes alam ko lang is nanaginip ako pero malilimutan ko na agad yung details pero yung mga panaginip ko or nightmares ko nung nasa kwarto ako na yon after so many years tanda tanda ko pa yung highlights ng mga detalye.

Ilang times ako nanaginip na parang paulit ulit ako nagigising sa panaginip ko pero kahit nagising na ako nananaginip parin ako sobrang beses ganun ako managinip don sa kwarto na yon. Para kong natatrap then pag umiiyak na ako saka puro pray nalang nasasambit ko saka ako magigising ng totoo. Muntik ko na rin kwestyunin sanity ko kasi minsan totoong nangyayari na pala natatakot ako baka panaginip lang kasi nga yung panaginip ko normal scenario lang sa buhay ko then magiging weird paag naging weird saka ko marerealize na parang may mali then yung looping yung pag gising ko bago ako magising na totoo.

Ikwento ko nalang yung pinakaworst kong naexp na bangungot na till now naaalala ko pa din sobrang linaw

As a college student pag may exams tayo nagkukuwarian tayo mag review, so ang set up kasi ng room namin di naman ganun kalakihan ang space dalawang single bed lang then sa gitna ng bed may closet kami nakaharang so di mo kita yung ulo ng katapat mo then sa paanan ko nandun yung efan ko saka isa ko pang closet dahil yung pacloset sa pagitan ng kama e gamit na nung karoom ko nauna so ayun nga isang gabi nagrereview ako alam ko nakatulog ako pero sa paanan ako ng kama nakaulo wala pa yung karoom ko nun e tandang tanda ko pa same scenario na parang normal na araw lang sa buhay ko makikita ko yung mga kaklase ko or kadorm ko babatiin ko makakausap ko tapos biglang magchechange yung ambiance magiging parang nawawala ako sa madaming tao na hindi ko mga kilala at di ko alam kung nasan ako then marerealize ko na nananaginip ako expected ko magigising ako pero hindi kahit anong dilat ko ilang beses ko gustong magising hanggang parang tinatawanan ako nung mga taong nakapaligid sakin na di ko naman kilala sa panaginip ko then bigla akong nagising pero wala ako sa dorm namin nasa bahay ako sa kama ko sa bahay tapos sobrang confused ko kasi umaga na bumangon ako nakita ko pa yung mama ko binati ako, kinausap ako ng kapatid ko medyo as in yung normal na sitwasyon sa bahay namin pag andun ako then habang nalilito isip ko sinilip ko pa ulit yunng kapatid ko saka nahiga ulit ako pag baling ko sa kabilang side ng kama nakita ko sarili ko nakatingin sakin as in para akong nakaharap sa salamin then ngumisi siya sakin sobrang creepy nakakatakot hanggang sa parang naiiba na itsura nung kamukha ko tumutulis na yung ngipin nanlilisik yung mata nilalabasan ng dugo bawat butas sa muka napahiyaww nalang ako pumikit habang umiiyak na ako sa takot  nagdadasal nagmamakaawa na sana panaginip lang to at magising na ako habang ginagawa ko yon bigla nakaramdam ako parang akong hinigop from sa mataas na lugar pabalik ng katawan ko then nagising nako nakahiga sa kama ko sa dorm patay na ang ilaw kumakabog dibdib ko may luha pa ko sa mata ko binuksan ko agad ilaw nagising yung karoomate ko inask niya ko kung okay lang ba daw ako kasi para nga akong tuliro at wala sa sarili uminom pa ko ng tubig sa tumbler ko naubos ko nga ng isang inuman kahit napakahina ko uminom ng tubig sa sobrang kabang kaba ko saka ko sa kaniya inexplain na binangungot ako then inask ko if pwede bang wag ng ioff ilaw kasi natatakot ako buti pumayag siya hanggang sa nagpray ako ulit pero ilang oras din nakalipas di parin ako makatulog sa takot hindi ko na alam kung pano ko nakatulog nun tandang tanda ko itsura ng sarili ko nun nakita ko sa panaginip ko na ako.

Kami lang nung karoomate ko may alam abt don then nanay ko na sinabihan ko hanggang sa nag share narin yung mga iba ko kadorm ng mga exps nila na may nakikita sila na di namin nakikita mga creepy na experiences din nila sa dorm namin. Wala man ako 3rd eye or what pero naniniwala parin ako sa mga ghost/entities kaya matatakutin din ako eversince. Hindi ko naman alam na magkakaganun ako sa panaginip. Di ko maishare sa kanila na nagkakaroon ako ng nightmares sa room na yon simula nung lumipat ako dahil natatakot rin ako at nandun parin ako sa room na yun and baka sabihin ng may ari naninira ako nag intay ako ng ibang room mabakante at  pinush ko talaga na malipat dahil ayoko na sa vibes ng room na pinagstayan ko na yon naiba na din karoomate ko and di ko narin kinakalimutan hanggat maari na magpray before sleep. Kahit nakalipat na ko ng room nun kabado parin ako matulog dahil baka managinip na naman ako ng masama at di na ko magising. Pero naging okay naman na ko after. Di ko binalak lumipat ng dorm kasi maganda naman na facilities at security ng dorm namin na yun. At naniniwala ako na sa mundong ibabaw hindi lang talaga tao ang nakatira madami din di nating maeexplain kahit saan nandun din sila.

Hindi ko alam yung official na tawag sa naranasan ko. Parang may kinalaman siya sa astral astral projection or may ibang tawag kasi diba pag alam mong nananaginip ka or nasa panaginip ka mismo aware ka tapos parang natrap ka don? Di ko siya alam exactly e. Pero dati nagresearch ako abt don. Medyo nabusy na sa life kaya di ko na matandaan. Sobrang di ko malilimutan yung mga panaginip ko sa kwarto na yon.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon