PTSD or TRUE HAUNTING
Bata pa ako noon. Wala pa akong idea sa kung ano ang PTSD. Ang alam ko lang, ang nasaksihan ko nung araw na yon ay hindi ko maipaliwanag.
Ayon kay mareng gugel, "Post-traumatic stress disorder (PTSD) is a mental health condition that's triggered by a terrifying event — either experiencing it or witnessing it. Symptoms may include flashbacks, nightmares and severe anxiety, as well as uncontrollable thoughts about the event."
Noong nabubuhay pa ang lola ko (nanay ng asawa ng tita ko), kinatatakutan na talaga namin sya. Hindi dahil sa masungit sya kundi tila wala na ito sa tamang pag iisip. That time, kaming mga magpipinsan ang tawag namin sa kanya ay Lola Lukring. Nakalakihan na namin syang tawagin sa ganong pangalan. Yun din kasi ang tawag sa kanya ng ibang mga taong bumibisita sa bahay nila.
Tuwing aatakihin si lola, bigla nalang syang sisigaw "Andyan na ang mga hapon!!"
Tapos bigla na lang syang magtatago kung san sya pwedeng magsumiksik. At pag may dumaan doon sa pinagtataguan nya, hihilahin nya at sasabihing "halika dito, magtago ka, anjan na sila".Hindi ako nakaligtas sa panghahablot ni lola. Napatago din ako. Pero pagsinabi ko na sa kanya na kakain na, pumapayag naman syang lumabas na kami.
Isang araw, nakaupo si lola sa tumba tumba nya sa sala. Ako naman ay dadaan lang sana para lumabas. Nagulat ako ng bigla nya kong ituro. Ang sabi nya "ikaw!" (Nagulat ako at napahinto). "Kilala mo ba si.. hindi ko na sya nakikita, wari ko'y kinuha na sya ng mga hapon." Habang nakaupo sya sa tumba tumba nya eh dinuro duro nya ko habang sinasabing "magtago ka na. Sinusundan ka na ng hapon. Magtago ka na baka magaya ka kay... Na nir*pe ng hapon". Hindi pa sya natigil don, papaiyak na rin ako sa takot. Takot na takot sya habang sinasabing "anjan na sya, anjan na sya" (habang nakaturo na tagusan sakin). Tumingin ako kung saan yung tinuturo nya. Laking gulat ko ng may makita akong sundalong hapon na nakatayo sa gilid ng iskaparate. Nakatayo lang sya, nakapansundalo, nakahelmet may hawak na mahabang baril. Sabay biglang sumigaw si lola "andyan na ang mga hapon!". Nawala ang pagkakatingin ko sa sundalo dahil bigla nya kong hinila at nagtago kami sa likod ng kurtina.
Umiiyak ako dahil sa takot na nakita ko. At naisip ko na baka iyon ang laging nagmumulto kay lola kaya sya nagkaganon 😭
Nerile Geloso📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.