Little girl
Diko alam if creepy ba to or maamaze ako . So ayun na nga lumipat kami sa likod ng bahay ng lolo namin since di na kami kasya ng family namin don sa isang bahay, bale isang pahabng bahay lang sya so 1 kembot mo lng kusina tas 3 kembot kwarto na agad. May third eye ako bale nakakakita ako ng entities na hindi visible sa mata ng tao mabilis rin ako makaramdam if meron or walang multo. Nung lumipat kami sa likod ng bahay ng lolo ko lagi ako may nakikita na bata na takbo ng takbo pabalik balik sa pinto sa labas ng bahay namin. Makikita mo sya agad kasi puting puti sya as in solid white, ganon palagi gawain nya pag gabi na hindi lang rin pala ako nakakita sakanya pati mama at lola ko, binabale wala na lang namin tsaka sanay na din naman ako makita kaya di fin ako takot, pero merong time na talagang na kinalabutan ako ng todo hahahh, bale nasa lapag ako ng kwarto nakaupo tas ung pintuan sa labs ng bhay tanaw ko, so ito na nga bale gabi to nung naganap to , pag harap ko sa pintuan may batang nakadungaw akala ko ung pinsan ko na bata, kasi kamukha nya pinsan ko bale ginawa ko tumayo ako para papasukin sa bahay kasi gabi na tsaka malamok sa labas ng bahay namin. Taena pag lapit kosa pintuan nagulantang talaga ako ung mukha na nakikita ko is ulo na lumulutang kaya napaatras ako ng wala sa oras, kinalabutan ako at naamaze din ako at the same time kasi first time ko makakita ng multo na may mukha eh hahahahha . Kasi most of the time shadow or walang mukha mga multo pero itomg batang nakita ko sobrang ganda ang tangos ng ilong,mapula ung labi tsaka bilugan ung mata nya. After that incident mga 2 weeks lumipas napanaginipa ko sya nakaupo raw ako sa kalsada tas lahat ng tao na nasa paligid ko naghihiyawan para bang may gulo ganon tas ung paningin ko is grogy paranglasing lasing ganon pero aware ako sa nangyayari sa paligid ko tas ung sout ko raw is ung sout ng mga sinauna ung parang katulad nung sa palabas nila barbie forteza hahahaha para talagang totoo syang nangyari sakin ganon , back to the story habang nakaupo ako may umaalog sa gilid ng balikat ko pinililit akong tumayo tas pag harap ko sa gilid ko nakita ko ung batang babae na nakalutang ung ulo sa pintuan namin na shookt talaga ako tas doon ko lang na realize kaya nya ako pinapatayo kasi parang may gyera ganon tas tinatawag nya akong ate ganon, natatandaan ko pa ung sinabi nya sakin,sabi nya ate tumayo ka jan kailangan natin mag tago ganern then ung pinagtaguan namin is doon sa bunker sa likod ng bahay ng lolo ko tas after namin magtago mga ilang mins lumipasmay nagbukas nung bunker tas ang naalala ko binaril ako sa dibdib then doonako nagising parang totong nandoon talaga ako ganon tas guess what may balat din ako dibdib . Tas dati din nung bata kami mga 8 may bunker talag doon sa likod ng bahay tingal na nga lang kasi dinadaga sya.
Yuno📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
SonstigesAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.