Going down the wrong pipe (Life after death)

36 1 0
                                    

Going down the wrong pipe
(Life after death)

During the pandemic nangyari ang hindi inaasahan. Bagong gising lang ako at uminom agad ng tubig (my daily routine) kaso sa pangalawang lagok biglang tumigil yung paghinga ko na parang may bumara then within 3 seconds nag collapse na ako. Naramdaman ko pa yung sakit ng pag hampas ng katawan at ulo ko sa sahig then nag shut down na ako completely. I don’t even know if buhay pa ako or hindi na.

Pero during that time may tao sa kusina namin (kasambahay) so nakahingi ako ng tulong and 7 feet away lang siya sa akin)

I remember habang nakapikit mga mata ko blackout lang yung vision tapos bigla akong tumayo at tinatapik ko yung katawan ko kasi dahan dahan nawawala yung sakit. (i’m confused kung nasaan ako at bakit ganito)

Then after ilang seconds dahan dahan na ako nagkakaroon ng vision na nasa ibang lugar ako (the ones I never imagine na mapupunta ako) tumambang sa akin ang isang mala fortress.

Nasa labas lang ako nung una. May malaking wall na may barrier na nakapatong na it will lead sa isang entrance or gate kapag inikot mo pero hindi ko na nakita yun kasi for some reason I found a way inside parang nag skip forward instant na nasa loob agad tapos ang hihigante ng building na parang it was made during the old days then puro green grass yung patag tapos yung daanan isang way lang yung tipong mahuhumaling ka maglakad.

Nawala lahat ng worries ko and ang saya saya ko pa na parang ayoko na umalis doon sa lugar.

Then habang naglalakad ako feel ko may nag gguide sa akin kasi I can sense na tama yung way pero kapag nililingon ko wala naman ako nakikita so ang ginawa ko na din na guide is yung daanan na sinusundan ko lang while staring sa mga building then while walking na-curious ako kung ano nasa loob ng mga buildings so habanag naglalakad naghahanap na din ako ng pinto pero bigla na lang ako nagising (nainis pa ako kasi ginising ako at parang ang himbing na ng tulog ko)

Pag mulat ng mga mata ko nakita ko lahat sila tito, tita, mga pinsan ko, si lola, at yung kasambahay namin. (sa bahay ako ni lola nag stay during the pandemic)

Sabi nila 2 mins daw ako walang malay tapos pansin ko din na akay-akay pala ako nung kasamabahay namin the whole time and sabi nung doctor nung nag pa-check up ako para daw akong nalunod kasi yung tubig na ininom ko ay dumiretso sa tubo papunta sa puso.

PS: Yung photos dito ay maihahalintulad sa mga nakita ko during the span of 2 mins na nawalan ako malay.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon