Big M!

8 1 0
                                    

*Big M!

I just want to share my experience kahapon, na diko pa naramdaman sa tanang buhay ko.
Itong video na ito kahapon lang ito, bale itong building na ito ay Isa to sa branch ng sikat na fastfood sa mundo. Btw,hindi ito sa pinas dito lang somewhere in pacific $$, bale nagsara itong branch nato last 2021 dahil sa matanda na yung franchisee at hndi na nagrenew ng license nya sa branch naito.
Bale isa to sa mga branches ng boss ko, 3 na branch pagmamay ari ng boss ko.  Pinapunta ako ng manager ko sa branch nato para samahan ang mag spray ng pest chemical for roaches and rodents, Pag pasok ko naman wala naman ako iniisip na nakakatakot saka maliwanag naman ang building at 4 kami na nasa loob.

So,I need to take photos and pictures para sa reports ko sa pest control. Nung nasa harap ako ng counter normal lang nararamdaman ko, pero nung nandun na ako sa likod ng kitchen yung 23sec. Na video,nag iba ang pakiramdam ko bigla bigla. Ang lungkot lungkot at ang bigat bigat pakiramdam ,yung ulo ko parang lumalaki,tapos ung batok ko parang nagtataasan ang buhok ko sa batok. Na diko maintindihan at para akong naiiyak na ewan. Basta hirap ipaliwanag,1st time ko maranasan yun sa tanang buhay ko.

Nangilabot ako, kaya pumunta ulit ako sa harapan ng counter para ma gain ko ulit normal na pakiramdam.
Tanong ko lang ano ba yun, wala naman ako third eye or whatsoevr. First time ako nakaramdam ng ganun.

Ito palang branch namin nato is tatlong manager na ang namatay dito isa doon ung kaibigan ko na pilipina. Pero ung dalawa locals dto, yung unang namatay dto sya sa branch namatay, then ung pangalawa sa hospital na. biglaan lahat ng pagkamatay nilang tatlo. Mag bestfriend sila na managers. Almost magkasunod na years sila namatay.

Then,ang sabi ng mga guards sa gabi nung pag close ng branch na ito. Mga ilang weeks nakakarinig sila ng my naghuhugas at lage ino on ang faucet kaht naka sara naman daw, tapos nakakarinig sila ng nagtatawag sa name nila. Kaya lage kami naghahanap ng security sa gabi kc wala nagtTagal mag bantay sa building naito.

Nagtanong ako sa sis in law ko if ano ba yung naramdaman ko. Sabi nya ganun daw talaga pag may something sa paligid. Kaya natakot talaga ako, na dapat today bbalik ako doon para bantayan ung taga pest control na maglagay ng mouse trap. Pero dina ako pumunta kc baka sumama sila saakin sa bahay 😅😅

#Destiny



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon