Magandang Gabi! Share ko lang ung about sa experience ko last week. I don't want to put that much of an effort sa pagfigure out kung anong meaning nun pero ewan di ko makalimutan, sooo I want to share it with you guys baka kayo alam niyo:)
We have a family business, run by my tito and tita. May dress na pinauwi si tita, white long dress and maganda siya, galing un sa shop. Sinabit ni tita sa labas na dingding ng kwarto, sa may gilid ng sala namin (I hope u guys can imagine it) kami kasi sa sala natutulog para mafeel namin ung lamig ng ac, and ung latag namin is ung bed nakasagad sa wall nung kwarto, sa ulunan namin makikita ung dress. Not much have happened nung first 2 days kasi di creepy looking ung dress. Pero one time nanaginip ako. sa panaginip ko, umuwi raw ako from school and walang tao sa bahay namin dahil pumunta sa activity namin sa church (ung activity na toh is nanggyari talaga toh pero after na nung panaginip like plan na talaga na maiiwan ako mag isa sa bahay kasi aattend sila ng activity and hindi tugma sa sched ko so ako ang pinagbantay) while opening the gate raw, ung door namin is nagopen very slight (night kasi uwi ko and night din ung nangyari sa panaginip ko) tapos while opening the door nung bubuksan ko na ung light sa kusina namin nakita ko ung dress, exact dress sa nakasabit sa wall namin tapos soot siya ng girl (imaginine niyo ung sa movie na La Llorona, ganun ung dress pero nasa maayos na form pa) tapos ung itsura nung girl maitim na na parang maaagnas na and then bigla siyang lumapit sakin like face to face and tumawa at sumigaw so nagising ako. Ang hindi ko maintindihan ay kung anong nangyari sa panaginip ko, ayun din ung planned na mangyayari after nung day na un. Na pupunta sila sa activity, maiiwan akong mag isa and nakasara nga lahat pati light sa bahay at sa terace namin pero ang wala lang sa reality is ung ghost na nakita ko sa dream ko.
Pero simula nung day na un, sa kusina namin mararamdaman mong may nakatingin sayo. And ung last experience ko after nun is habang naghuhugas ako nung plate biglang may yabag sa left side ko tapos sa peripheral vision ko kita ko ung paa ng tao pero pag lingon ko wala naman. I know that there's someone na kasama ko that time kasi may naramdaman akong yabag and akbay.
Idk what is happening pero wala simula nung dream na un, mafefeel mo na lang talaga na may nagmamasid sayo sa kusina beside the ref hehehhe ayun lang. thanks you guys!
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.