MAY KAKILALA KA DIN BA NA HINDI NANINIWALA SA MULTO?

18 1 0
                                    

MAY KAKILALA KA DIN BA NA HINDI NANINIWALA SA MULTO?

May kaibigan ako na never naniwala sa multo, until one night sa dorm, naalimpungatan sha at napatingin sa bintana, may babaeng nakatayo, akala nya nung una kurtina lang, tinitigan nya mabuti, babaeng nakaputi naka lutang sa hangin.

Sa takot niya nag talukbong sha ng kumot habang tinatawag ang kasama nya sa kwarto na natutulog sa kabilang kama, tawag sha ng tawa sa pangalan pero hindi sha iniimikan.

Matapos ang kalahating oras nag lakas loob sha na tumingin ulit sa bintana, wala na ang babaeng nakalutang, lumipat pala malapit sa kama ng kasama nya sa kwarto.

Halos mamatay na daw sha sa takot, nag talukbong na lang daw sha uli ng kumot at nagdasal. Ilang oras ang inantay nya, umaga at lumiwanag na.

Tumayo na daw sha sa kama, gising na din yung kasama nya sa kwarto, tinanong daw sha kung may nakita daw ba sha sa bintana, kinilabutan sha dahil hindi lang daw pala sha ang nakakita.

Nag pasundo agad sha sa kapatid nya at umuwi na lang. Sa puyat nya ay nakatulog sha agad at gabi na nagising para umihi. Laking gulat nya dahil yung babaeng nakalutang na nakita nya ay nasa hagdanan ng bahay nila. Sumama sa kanya pag uwi. Nag patawag ang nanay nya ng mag bbless ng bahay nila para umalis yung spiritu ng babae.

Hindi na siya bumalik sa dorm. Naniwala na din sha na nag eexist pala ang mga kaluluwa na hindi matahimik.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon