Retreat House sa Baguio

36 1 1
                                    

Hello mga Ka-Takot! Itago nyo na lang ako sa pangalang Paul. Share ko lang yung experience namin sa isang retreat house sa Baguio.

September 2005. Nasa 4th year high school pa ako noon (Grade 10). Sobrang excited ang batch namin kasi ang field trip and retreat namin ay gaganapin sa Baguio. Tandang tanda ko pa noon kasi kami-kami pipili ng magiging roommate namin at syempre pinili ko noon ang bestfriend kong si Jeremy.

Hiwalay ang corridor ng girls sa boys. Pares-pares sa bawat kwarto. Room 204 (second floor) kami ni Jeremy at katabi namin ang room ng Top 1 sa class namin na si Walter at ang bestfriend nyang si Jericho. Room 206. Sila yung tumbok na kwarto kasi nasa gitna sila ng T-shape na corridors. Katapat naman ng pintuan ng kwarto namin ay ang “Prayer Room” na super dilim at ang liwanag lang ay ang mini altar na kulay yellow orange ang ilaw. May salamin sa pintuan ng Prayer Room kaya kita ang loob.

Unang gabi pa lang namin sa retreat house marami nang nangyayari sa mga batchmates ko. Mayroong nagka lagnat sa dalawang magkatabing kwarto sa 3rd floor pero sobrang lakas naman nila nung paakyat kami sa Baguio. Meron na lang mga biglang iiyak dahil siguro nagkakatakutan.

Pero hinding hindi ko makakalimutan yung nangyari sa katabi naming kwarto. Yung room nila Walter at Jericho. Bigla na lang nagkaroon ng commotion sa corridor. That was around 8:30 PM. Nanginginig magsalita si Walter na kilalang eloquent na speaker sa batch. Hindi nya macompose sarili nya pero tinuturo nya isang malaking itim na butterfly na nakadapo sa kisame ng room nila.

Paano makakapasok yung butterfly dun eh dinatnan naman nilang sarado lahat ng bintana pati pintuan ng kwarto nila bago kami mag dinner? Nanginginig parehas sila Walter at Jericho. Yung iba kong batchmates natatawa kasi paru-paro lang takot na yung dalawa.

Maya-maya pa, dumapo ang paru-paro sa screen ng bintana. Saka nangamoy bulaklak sa buong kwarto nila Walter at Jericho. Nasa walo kami nung nakiusisa at nagtaka sa nangyari kasi nasa kwarto na yung iba. Halos umiyak na si Jericho nung tinuro nya yung direksyon ng paru-paro.

At kita namin mula sa pintuan ang isang imahe ng babaeng nakadikit ang mga kamay at mukha sa screen ng bintana (yung attached photo dito ay grabbed from Google lang pero ganyan yung hitsura ng girl). Yung pwestong pilit sinisilip ang nasa loob ng kwarto.

Nanginginig kami noon at kumaripas ng takbo papunta sa room ng adviser namin. Nabulabog buong second floor at naglabasan ang iba sa mga kwarto nila.

Kung tao yun paano sya makakadungaw sa second floor mula sa labas eh wala namang patungan dun sa labas at derecho bagsak na sa garden pag lumabas ng bintana?

After that night pinalipat ng room sila Walter at Jericho.
At pina bless yung room nila (pati na rin ibang karatig na kwarto) sa chapel priest ng retreat house.

May ilang nagkwento din na batchmates na nung second night everytime na dadaan sila dun sa labas ng tumbok na room papunta sa CR/Shower maririnig nila mula sa loob ng Room 206 ang malalim na boses na nagsasabing,  “Hoooooooy”.

Mabuti na lang at walang masamang nangyare samin nung retreat namin.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon