Tawag

19 1 0
                                    

TAWAG
Pa'no ko ba 'to sisimulan hahahaha. Hindi ako magaling magkwento pero ito na nga. Last year, 2022, umalis fam ko pumunta ng bulacan. From morning to midnight daw sila doon. Okay lang naman sa akin since marunong naman ako mag luto kahit papaano ng food ko. Time passed by, nakakain na ako, hugas, at linis ng bahay. Nanonood nalang ako ng netflix habang ka-call ko ang aking boyfriend, pinatay ko na din maya-maya yung tv nung naramdaman ko na ang antok ko nun, mga 12 na siguro yun. Magka-call kami ng bf ko hanggang sa makatulog ako. Binabantayan niya kasi ako, wala lang maharot lang siya hahaha. So ayun na nga katulugan ko hinihintay ko din tawag ng ate ko sa cp ko (pwede ka pa rin tumawag sa number kahit may ka-call online). So back to the story.... nasa 2nd floor ako natulog kasi doon talaga tulugan namin, sama-sama kami doon natutulog at yung kwarto namin puro pader walang bintana or what kaya hindi mo malalaman kung maaraw na ba o madilim. Nagising ako sa tawag sa galit na galit na kumakatok at tinatawag ako. Ang sabi "Jey!!!! Jey!!!! BUKSAN MO NGA ITONG PINTO!! JEY!!" boses talaga siya ng ate kong galit na galit na kumakatok. Napamulat ako kasi boses ni ate (takot kasi ako sa ate ko huhu). Naalala kong paano kakatok ate ko sa 2nd floor kung hindi naman ito naka-lock? Paano rin siya makakapanik kung bago ka makapasok sa gate namin... if ever na hindi naka lock...hindi ka pa rin makakapasok dahil may 2 pang pinto papasok samin na alam kong nilock ko dahil paranoid ako baka may magnanakaw. Itinulog ko na lang ulit 'di ko rin alam pano ako nakatulog sa katok. Kinabukasan pagkagising ko, namulat ako sa realidad. Napatakbo ako sa baba namin pero walang tao akala ko doon na sila natulog sa sala, nanlalamig na ako dahil papagalitan ako ni ate kaya tinawagan ko na siya. Sabi niya sa call "Diba nagchat ako sayo na bukas na kami uuwi".

Ps. Tiningnan sa cctv walang nanloob saamin or what. Walang anuman ding nakuhanan na kumatok sa kahit na anong oras sa madaling araw. Sabi din ng bf ko nung makatulog ako pinatay niya na din ang call.
Jey




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon