Anino

11 1 0
                                    

When I was 7 to 10 years old, mahilig maglagay yung nanay ko ng kurtina sa pinto papasok sa kwarto. Di ko alam pero uso ata yun noong early 90s. Halos everyday meron akong nakikita dun na figure ng lalake, nakatayo lang.

Isang araw, hindi ako nakatiis sinabi ko sa nanay ko na kung pwede wag n'ya na lagyan ng kurtina yung sa pintuan ng kwarto ko dahil para kakong may tao sa likod. Itinuro ko mismo sa kanya pero sinabi nya lang sa akin na anino lang ng kurtina yun (nakaruffles kasi yung kurtina). Tinatanong ko rin mga kapatid ko at kapag may mga pinsan akong nakikitulog sa amin, pero wala daw silang nakikitang anino. Inisip ko noon na baka nga normal lang yun at masyado lang ako nagiimagine.

Nakasanayan ko na lang nakikita yung anino na yun halos araw araw. Hanggang isang araw ay hindi na muling lumabas yung anino. Habang lumalaki ako at naalala ko, mas narerealize ko na hindi talaga normal yung nakikita ko noong anino kasi imposibleng magkaroon ng ganung hugis yung anino ng mismong kurtina.  Naisip ko na kahit siguro nakikita at itinuturo ko na, hindi talaga makikita ng pamilya at mga pinsan ko yung anino kasi ako lang ang pinagpapakitaan.

Noong 14 years old ako, may nakita ulit akong anino pero noong time na yun sa bintana na ng living room. Nakataas yung dalawang kamay nung anino at parang kumakaway. Di ko alam kung s'ya yung nakikita kong anino dati kasi mas payat na s'ya.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon