Sundo

14 1 0
                                    

SUNDO

Hello USF Readers, I am Beng, gusto ko lang mag-share ng story ko.

Galing ako sa office since may part time job ako, pag-uwi ko sa bahay ay nagbihis lang ako then nakita ko si Mama na nakahiga, medyo nahihilo siya dahil na rin sa pagod niya maghapon sa school graduation. Gabi na nung pumunta ako sa kapitbahay namin na Tita ko kasi nandun ang mga pinsan ko, nagpapahinga na rin si Mama kaya di kami puwedeng dun mag-ingay sa bahay.

Sa pagod ko na rin galing trabaho, nakatulog ako sa mahabang upuan sa labas ng bahay nina Tita. Pinapalipat na ako ng pwesto pero dahil sa antok, hindi ko pa magawang bumangon. Sa kamalas-malasan, biglang umulan. Medyo nababasa na ako nun kaya lumipat ako ng higaan don sa bahay ni Tita. Saktong sa labas din nakatulog yung isa ko pang pinsan, pero hindi siya nababasa kasi may bubong sa hinihigaan niya.

Sa duyan siya nakahiga at sa ilalim nga nun ay may papag na higaan, naglatag lang ako ng kumot na iniabot ni Tita at bumalik na ako sa pagtulog ko. Bale, nasa ilalim ako ng duyan kung saan natutulog ang pinsan ko. Lumakas pa lalo ang ulan, kasabay nun ang pagtawag ni Mama sa kin. Pinapauwi niya na ako sa bahay. Nakakulay pula na damit si Mama. At dahil nga inaantok pa ako, um-oo lang ako at tumingin ako sa kanya.

Di ko maaninag nang maayos ang mukha ni Mama dahil na rin madilim, tulog na rin sina Tita nun kaya hindi na namalayan. Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko sabay sabing sumama ako sa kanya kasi uuwi na kami. Itinaas ko lang ang kamay ko katulad ng normal na ginagawa ko kay Mama sa tuwing inaabot ako ng antok kung saan, palagi naman niyang hinahawakan para maibangon ako.

Katulad nga ng inaasahan, hinila niya yun para ibangon ako, pero dahil nga may duyan sa taas, nauntog ako na naging dahilan ng muli kong paghiga. Itinaas kong muli ang kamay ko pero hindi niya na hinila kaya itinuloy ko na ang pagtulog ko. Kinaumagahan, nagising ako sa boses ni Mama,

"Andyan ba si Beng? Di sa bahay natulog, e."

Nagtaka ako nun kasi ginising niya ako kagabi, e bakit itinatanong niya kung nasaan ako? Agad akong humarap kay Mama, nakaitim na sando siya nun.

"Bakit niyo pa po itinatanong, e sinundo niyo naman ako kagabi? Naka-red kayo nun."

Nagtaka rin si Mama nun sabay sabing,

"Malakas ang ulan kagabi, at alam mong maaga akong nakatulog dahil masama ang pakiramdam ko, kaya paano kita masusundo?"
"Kung hindi ikaw yung naka-red, e sino yung sumundo sa kin?" sagot ko.

BENG,
2023
BSED
Bataan State University

📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon