Tirahan ko sa japan
Ohayou minasan. Admin paki hide nalang po ng identity ko may kapamilya kasi akong tambay din dito.
Hindi naman po ito nakakatakot.Year 2018 ng lumipat kami sa tirahan na to. Apartment may apat na palapag at bawat floor may 20 ata na pinto. Luma na itong apartment dapat sisirain na daw to, nirenovate na lang at pinaupahan ulit. Meaning may mga rooms dito na matagal nang walang nakatira.
Wala nang arte-arte, mura ang upa. Bagong renovate kaya maayos at malinis.
FF.
Naayos na namin lahat ng gamit. Dalawa lang kami ng anak ko dito. Sa kwarto ako natutulog sya sa living. Sa pangatlong gabi binangungot ako, takbo agad ang anak ko para gisingin ako.
Ito po ang senaryo sa panaginip ko. Kakauwi ko lang daw, sa lobby may dalawang batang naglalaro siguro mga 5-7yrs old. Lalaki at babae. Medyo napakunot ang nuo ko dahil sa isip ko alam ko daw na hindi sila tao. Pero malinis naman sila. Dinaanan ko lang sila at pumasok na ko sa bahay, sumunod sila sa loob at dito din daw sila nakatira. Sabi ko kami na ang nakatira dito pero ipinagpipilitan nila na ako daw ang nanay nila. Hanggang nagalit na daw ako at sinabihan silang umalis na dito, natatakot ako kasi alam kong hindi sila tao.
Dun na narinig ng anak ko na sumisigaw daw ako, kaya dali-dali syang tumakbo sa kwarto para gisingin ako.
Kinagabihan pumasok ako sa trabaho. Sa snack bar ako nagwowork. May bagong kustomer dalawa, yung isa bata pa 28yrs old.
Tinawag nya ko upo daw ako sa tabi nya may sasabihin sya. Ito yung convo namin.
Sya:May anak ka?
Ako:Oo, 20yrs old. lalaki.(maaga lumandi ang hitad)
S:Isa lang ba talaga?
A:Oo nga.
S:Nagpalaglag ka ba?
A:Matanda na ang anak ko natural na gusto ko pa magkaanak. So bat ko ipapalaglag.
S:May dalawang bata lalaki at babae nakasampa sa balikat mo.Grabe talaga ang takot ko, tsaka ko naalala ang napanaginipan ko. Kaya napagtanto kong hindi sya nagbibiro. Pag uwi ko nang bahay nagsaboy ako ng asin sa pinto at naglagay ng mga asin na napabundok sa platito.
Hindi naman na ulit sila nanggulo.
This week kakabalik ko lang galing pinas, kulang isang taon akong nagstay dyan sa tin. Nito lang 12/19/20 natulog ako nang tanghali. Tinakbo na naman ako nang ako para gisingin at nagsisigaw daw ako na may sinasabi na di nya maintindihan.Ito na naman po yung senaryo.
Paalis daw kami nasa labas na daw ang anak ko, ako naman kinuha ang bag sa kama. Pagtingin ko sa bintana may dalawang taong nakatayo. Yung isa dalaga na mahaba ang buhok maganda. yung isa batang babae nakatitig sya sa kin at ang lungkot ng mukha, nakahawak sya sa bakal na grills ng bintana. Di ko sya pinansin kasi, alam ko na naman daw hindi sila tao. Pagpihit ko para lumabas ng kwarto yung bata nakapasok ng bahay tumatakbo papunta sa kin. Yumakap sya ng napakahigpit habang sinasabi nya ng paulit-ulit. "Mama mama''.hanggang puson ko ang taas nya.
Ramdam ko yung pangungulila nya. Pero ako, takot ang naramdaman ko. kaya imbes na maawa nagsisisigaw ako na bitawan nya. Pumasok na din yung dalagang babae kaya lalo akong natakot. Nagwawala na ko kasi ayaw nyang bumitaw.
Bigla naman dumating ang nanay ko na galit na galit sa kanila. Nung nakita nila ang nanay ko takot na takot sila kaya kumaripas sila nang takbo palabas.
Galit na din ako at sinabihan silang wag nang babalik madaming bakanteng kwarto dito dun kayo tumira. Yun ata ang narinig ng anak ko na nagsasalita ako na sumisigaw.Nung nagising ako napasabi ako na ''Sila na naman''. Di ko din alam bat ko nasabi yun.
Kaya nagpausok ako ng ensenso.Pasensya na po at hindi nakakatakot ang kwento ko. Gusto ko lang po ishare. Alam naman natin nakakatakot ang mga mumu dito. Nga pala wala na po ang nanay ko. April this year nang sya ay mamahinga.
Salamat 'nay kahit wala ka na binabantayan mo pa din ako.Ako si waray
📜Spookify
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.