JAPAN TRIP FULL EXPERIENCE
Trigger warning ❗️Naalala ko bata palang ako madalas na akong makakita and aware ako na ibang nilalang yung mga nakikita ko kahit na mukha silang ordinaryong tao. Yung tipong kahit hindi pa gabi nakakakita ako ng ibang elemento share ko nalang next time yung mga naexperience ko para hindi humaba ung post nato 🙂
So yun na nga, bata palang ako madalas na akong makakita pero nung nagstart na akong mag dalaga dun na sya unti-unti nawawala, I guess siguro masyado na akong busy kaya nilubayan na nila ako 😆 pero mas lumakas ung pakiramdam ko yung tipong lahat ng hinala ko nagiging totoo at nababasa ko agad yung energy ng isang tao, happy naman ako kase ilang beses na ako nailigtas sa mga pangyayari at nakakaiwas kaagad sa mga maling tao sa pagiging “tamang hinala” ko😅
So eto na ang kwento, finally almost 3years working abroad nakapag bakasyon na ako dito sa Pinas kasama ang BF ko at yung friend nya. Ang plan namen 1 week dito sa Pinas and 1 week sa Japan at babalik dito sa Pinas ulit for 1 week, nag rent lng kame ng unit dito sa Pinas good for 2 weeks ok naman lahat wala naman akong nararamdaman na kahit ano sa 4days namen ng pag iistay dito sa Pinas.
Eto na talaga, pwede na akong makapag share kase nakauwi na kame dito sa Pinas galing Japan. Totoo ang chismis 😅malakas ang energy ng mga bad spirit sa Japan, pag kadating palang namen sa pag iistayan namen na unit iba na kaagad yung naramdaman ko nasa labas palang kame ng pinto parang ang bigat na nang nararamdaman ko, nung pagkapasok namen sa studio type na unit grabe parang ang bigat ng ulo ko parang sasabog at parang ang init ng mukha ko, ang sikip-sikip ng dibdib ko yung tipong hindi ako makalunok ng maayos at may naamoy ako na kakaiba parang amoy patay na daga or bulok na karne saglit ko lang sya naamoy, inisip ko nalng baka galing sa cabinet ng lagayan ng sapatos since tabi lng sya ng pinto pero ako lng ang nakaamoy kase ung dalawang kasama ko hindi naman sila nag react nung pag kapasok namen, kahit na mas sensitive sa amoy ang bf ko kaysa saken. Gabe kame nakarating kaya kumaen lng kame ng dinner at natulog na.
2nd day namen wala naman nag paramdam saken pero yung energy ng unit may kakaiba mabigat sya at malungkot yung pakiramdam kahit yung dalawang kasama ko nararamdaman din nila kaya nag lolokohan kame na kaya ba nila tumira dun mag isa ang sagot nila hindi daw nila keri😂
3rd day, around 7pm nakabalik na kame sa unit after namen mag tour sa labas. Nagdecide pumunta ng 711 yung BF ko at friend nya para bumili ng water at pagkaen, nag paiwan ako sa unit kase ang sakit ng paa ko dahil may mga paltos ako, kaya sabi ko sila nalang bumili. Nung ako nalang mag isa sa unit, nakadapa ako sa bed nakaharap ako sa sliding door papuntang terrace habang nag si-CP ako may naririnig akong may sumitsit, sit-sit babae sya kase mabagal at mahina basta ang hinhin ng sitsit nya, akala ko nung una fan sa bathroom un pero hindi consistent ung tunog kaya sabi ko sa sarili ko “iba nato” kaya ang ginawa ko nag patugtog ako ng malakas,susmiyo! Biglang bumagal yung net.. hindi ko alam kung ano gagawin ko kase sinasakto nya ung sitsit kapag nag loloading yung video lumalakas at bumibilis ung sitsit, hindi ako lumingon sa likod ko at hindi ko na rin tinangka tumingin sa reflection ng glass na sliding door sa harap ko. Kaya nag stay lng ako na nakadapa at nakayuko habang nag si-CP, iniisip ko kung tatakbo ako sa labas at dun ko nalang sila hihintayin kaso kailangan ko pang mag elevator since nasa 7th floor kame ng building, baka mag kanda leche-leche ako sa elevator at dun pa ako maabutan at ma-stuck😅 kaya nag stay nalang ako sa unit gusto ko kunin yung head set ko para d ko sya marinig kaso ayaw kong lumingon sa likod ko kase dun galing yung sitsit na naririnig ko. Bumibigat na yung pakiramdam ko para akong naiiyak. Narinig ko parang may nalaglag sa loob ng bathroom, grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Naninigas ung katawan ko sobrang kaba ko, tinext ko yung BF ko na sinabi ko nalng na please pakibilisan dahil nahihilo na ako sa gutom, hindi ko sinabi sa kanila yung nangyari kase hindi naman sila naniniwala sa mga ganito. Nung nakabalik na sila dun lng ako lumingon sa likod ko grabe yung relief ko niyakap ko agad yung BF ko at dun lng nawala ung sitsit.
May mga times na kapag nasa shower room ako ang bigat ng pakiramdam ko hindi ako makahinga, sure ako nararamdaman din ng mga kasama ko pano ba naman dito sa Pinas ang babagal mag sipag-ligo umaabot halos ng 30mins nung nasa Japan kame parang wisik wisik lng ang ginagawa😂😅. Alam ko nakaramdam yung friend ng BF ko kase sabi nya mag shashower daw sya dala nya yung shampoo nya, after 5 mins lumabas kaagad sya na mukhang kinakabahan at tuyung-tuyo yung buhok😅
yung BF ko naman ang sabi nya nagising daw sya ng madaling araw dahil naririnig daw nya yung hilik kaibigan nya para daw babaeng kumakanta may tono pa daw pero tinawanan ko nalang. Ilang beses din nangyari yung lalapit yung BF ko saken or mag tatanong sya na “why?” Nag tataka ako hindi ko naman sya tinatawag na-curious ako tinanong ko kung paano ko ba sya tinatawag ang sabi nya “dadi?” May pa question mark ang tunog na never ko naman sya tinatawag ng ganung tono sa Japan lng to nangyari ha.
May time din habang nag preprepare ako sa bathroom dahil may malaking salamin dun ilang beses ko napansin na parang may usok na lumilipad nung una akala ko moist sa salamin pero nawawala tapos bumabalik sya feeling ko din na parang may nanunuod saken kaya napapalingon ako sa gilid ko. Kaya mga last day namen sa Japan pinapagod ko yung sarili ko sa tour namen para kapag balik namen sa unit pagod na pagod ako straight tulog agad.
Ngaun nakabalik na ulit kame dito sa Pinas na-curious ako sa unit na pinagstayan namen nag search ako sa internet kaso mahirap makakuha ng details kase puro japanese writings, hindi ako tumigil makakuha ng details kase malakas ang kutob ko na may mali sa unit na pinag stayan namen at gusto ko sya ikwento sa mga kasama ko para kahit papaano maniwala sila sa sasabihin ko, until may nadiscover akong isang site na ang tawag Oshimaland makikita dito yung mga location ng mga “stigmatized property” isa rito sa may flame icon yung pinag stayan, napa- “sabi ko na nga ba” ako nung nakita ko yung result may nag s**cide sa building na un hindi nga lang naka-indicate sa website kung anong unit un. Ngaun sinabi ko sa bf ko at sa friend nya natatawa sila ang sabi nila ang cool daw, sabi ko sa BF ko next please gamitin nya yung website na yan bago sya kumuha ng rerentahan unit kapag mag babakasyon kame.. sorry napahaba yung kwento pinaikli ko na po sya hindi ko na po isinama yung mga kaluskos at mga yapak😅
(Nakauwi na po ako dito galing sa vacation namen sa Pinas, hanggang ngaun kinikilabutan pa din ako kapag naaalala ko ung naexperience ko nung mag isa lang ako sa unit na un sa Japan😅)
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.