Kung Saan Tahimik at Madilim

21 1 0
                                    

Kung saan tahimik at madilim.
Dati ko nang naririnig 'yung sinasabi nilang pinaglalaruan ka ng multo etc kapag daw 'yung isang gamit na nilapag mo bigla nalang mawawala sa original na pwesto. Dun sa inuupahan namin dati, tahimik at madilim kasi nasa dulo na ng eskinita, pero sa likod pa nito may isang bakantang lote, di ko po alam anong meron don. Sanay naman na ako na ako lang mag-isa kasi ako unang umuuwi. Di din ako mahilig sa maliwanag na paligid kaya okay lang na madilim talaga dun sa bahay namin, dahil walang bintana at sa eskinita pa. Medyo natatakot talaga ko dun samin, lalo na kapag yung mga kakalapag ko lang na gamit bigla nalang mawawala sa pwesto nila. Ginagaslight ko nalang sarili ko pag nangyayari yun na baka lutang lang ako or sabog haha.

Pero isang gabi, maghihilamos ako mga hatinggabi yun, bigla kong naalala na yun nga parang nung mga nakaraang araw bago yun madalas na naman nangyayari sakin yung 'pinaglalaruan' ako. Kaya that time, sinigurado ko talaga na hindi ako lutang at may presence of mind talaga. Nilapag ko yung cleanser ko sa left side ko mismo tapos saka maghilamos, bago ko yun nilapag talagang minake-sure ko na firm yung position niya sa left side ko, at baka mapaglaruan na naman kasi ako. Talagang sinigurado ko, sure pa sa sure. Medyo minadali ko maghilamos. Tapos paghilamos ko ng tubig sa mukha ko at pagdilat ko, nasa farthest left ko na siya. Nagsitayuan talaga balahibo ko pagkakita ko huhuhu. Parang naestatwa muna ako bago ako umalis dun. Hindi ko masarili yung takot kaya ginising ko mga kasama ko sa inuupahan namin. Wala kaming mga kwarto parang malaking space lang siya kaya tanaw mo ung lababo kahit san ka sa loob ng bahay. Hanggang ngayon kinikilabutan ako, pero sobrang dami ko pang scary experiences dun. Sobrang bigat sa pakiramdam parang lagi din may nakatingin. Lahat ng mga kaibigan na dinala ko dun alam na nakakatakot talaga. Buti nalang lumipat na kami, sabi kasi nila nun kung saan madilim at tahimik dun 'nila' mas gusto.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon