Itim na libro

160 3 0
                                    

Itim na libro

Hello sa mga readers and admins ng Spookify. Actually I hesitated to share my story but I think kelangan ko nang i-unload ang isa sa mga darkest secrets ko. Sorry po kung mahaba.

This incident happened nung 4th year high school ako, and that was 8 years ago, October 2008. I was enrolled in a private academy in Bulacan and most of the students there were in the middle-class and upper-class. Iilan lang ang mga scholars, kung mag-i-iskolar ka sa school na yun dapat ang GWA mo ay nasa 88 pataas. I have this classmate, she transferred a year ago and she was a scholar, rich kids have a specific term for them. "The Charity Kid" or simply "The Charity." Matalino siya, may itsura, but super ang tahimik niya, she has always been the target of bullying kasi nga she's weird.

Why weird? She's talking to herself, she doesn't want to be around with someone else. Once, I tried to talked to her but she just looked at me as if she was bored. But kinilabutan ako sa kanya. When I stared at her eyes, ang creepy kasi, they're blank as in walang emotions ganun.When she saw my reaction, that made me nervous kasi she smirked at me, kaya nagmadali akong umalis nun. She always carry a certain book, nakabalot pa yun sa malaking panyo or bandana. Kulay itim yung libro, ayaw niyang gingagalaw yun or mahawakan man lang ng iba. Everyday our classmates made her life a living hell. I tried to stood up for her pero nainis ako sa kanya kasi nagalit pa siya sa akin and she told me na hindi niya kelangan ang awa ko. She can help herself and she stormed her way out, siyempre napahiya ako dun. Kaya since then, pinabayaan ko na lang siya, kahit naaawa ako kasi lagi siyang binubully. There were vandals written on her desk, kahit sa cr meron. Students called her witch, slut, lahat na, but still wala siyang pake.

Until one of my classmate, tawagin na lang nating Iza ang napikon na kasi walang effect yung ginagawa nila dun sa classmate naming weird, let's call her Lea. So she told her friends na takutin na lang nila, they all agreed. As in pinaghandaan nila yun, tandang tanda ko yun dahil may event ang school namin for a week so wala halos ginagawa. But bawal kaming umabsent. Kinakabahan ako sa kanila kasi baka kung anong gawin nila kay Lea. Balak kong isumbong sila sa adviser namin na si Mrs.Cruz, kaso pinigilan ako ng kaibigan ko. Sabi niya mas mabuting wag akong mangialam kasi baka ako naman ang mabully at isa pa, ayaw naman ni Lea ang may tumutulong sa kanya. Kaya labag man sa loob ko, nanahimik na lang ako. Pero hindi ko alam na yun ang pinakamaling desisyon na nagawa ko...

Mga 5pm, uwian na. Nagbalikan na sa room sila Iza. Nagtataka ako kasi parang balisa sila, tinanong namin kung nasan si Lea. Sabi naman ni Iza umuwi na raw kasi napikon sa prank na ginawa nila. But when I asked her kung ano ba yung ginawa nila, minura niya ako at dinuro-duro, wag daw akong tanong ng tanong. Nagulat ako sa reaction niya, eh nagtatanong lang naman ako.Then one of her friends approached her at may ibinulong sa kanya. After nun, humarap siya sa akin and she apologized. Tinanggap ko naman yung sorry niya but nagtataka ako kasi ang we-weird nila, they can't even look at me, at parang hindi sila mapakali.

Then nag-uwian na, at gabi nun, hindi ko makakalimutan. Tapos ko nang gawin yung assignment sa Algebra. Papatayin ko na sana yung ilaw nang may naaninag akong pigura ng tao sa kurtina, kinabahan ako nun. Nung lapitan ko at hinawi, wala namang tao. Sabi ko sa sarili ko baka pagod lang at nahilo lang ako sa equations na sinagutan ko. Paglingon ko sa pintuan ng kwarto ko, nakita ko si LEA, pero nakalikod siya sa akin. Nagtataka ako nun kung paano siya nakapasok sa kwarto ko at kung paano niya nalaman ang address ko. Sobrang kabado ako nun, narinig ko siyang umiiyak, nagtaasan ang balahibo ko sa batok. Biglang lumamig ang paligid, pero hindi ko pa binubuksan ang aircon. At maya-maya pa ay nagsimula nang umandap-andap ang ilaw sa kwarto ko, habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Tinawag ko siya. "Lea, anong ginagawa mo dito, paano mo nalaman ang address ko? Sinong nagpapasok sayo?" Sunud-sunod na tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot.

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon