PASAWAY NA ESTUDYANTE

34 1 0
                                    

PASAWAY NA ESTUDYANTE

Hi po, meron kasing nag-share dito ng story about sa sobra daw students niya noong nagpa-quiz siya. Mayroon din po kaming experience na ganiyan pero way back high school pa ito. Year 2013, 3rd year high school ako.

So ito na nga, habang nagtuturo iyong teacher namin ng Religion, lagi siyang sumusulyap sa akin. Sa likod talaga ako nakapwesto noon tapos absent iyong katabi ko kaya may bakanteng upuan sa tabi ko.

Iyong teacher kasi namin sa Religion, may pagka-terror talaga, taliwas sa subject na tinuturo niya iyong ugali niya. Sa kalagitnaan ng discussion niya bigla niyang binato iyong eraser sa direksyon ko. Buti nakaiwas ako that time. (Uso pa kasi mga ganong punishment unlike sa panahon ngayon.) Nagalit iyong Rel Teacher namin tapos tinuro ako. Sumigaw siya nang sumigaw. Sabi niya, ang ingay-ingay ko raw at ang kulit-kulit ko raw eh. Tapos nang-aasar pa raw ako. Edi sabi ko noon, "Ako ma'am? Hindi naman po ako nagsasalita." palasagot din kasi non HAHAHA. Tapos bigla niyang sinabi na iyong katabi ko raw! Sabi niya, kung transferee daw siya is hindi dapat ganoon ugali niya knowing na catholic school pinasukan niya. Basta ganyan. Hindi iyan exact na sinabi pero ganiyan iyong thought.

Tapos naramdaman ko na lang na parang lumamig iyong paligid. Iyong tipong parang may humawi ng buhok ko tapos nanlaki ulo ko, bigla kaming nagkumpulan ng mga classmate ko sa gilid ng classroom tapos sabi namin sa Rel Teacher namin na wala naman akong katabi simula nag-start siya mag-discuss.

Iyong mga mikki (maarte) na mga classmate ko naman is nagsisigawan. Syempre terror teacher namin, sumigaw siya ng, "Gagarampang! Agtalna kay man!" (Mga malalandi, tumahimik nga kayo) Edi nagsitahimik lahat. Ekspresyon lang ng teacher namin iyon kapag galit siya pero parang pinakalma niya sarili niya. Tapos sabi niya sa amin, huwag daw intindihin sinabi niya. Nag-sorry din siya sa akin and umokay na lang ako. Pagod lang daw siguro siya tapos puyat. Tapos tinapos niya na discussion pero ako nakisiksik na sa upuan ng isang classmate ko sa harap. Walang umupo malapit doon sa likod. Nagkumpulan kami at hindi naman niya kami sinita. And natapos iyong araw na iyon na parang walang nangyari pero syempre after class, nakalat iyong nangyari. Naging chismis na talaga.

Months passed non, intrams na at meron kaming free time. Sakto naman iyong Rel Teacher namin is nakakwentuhan namin that time tapos tinanong namin sa kaniya kung anong nangyari noong time na iyon. Sabi niya, may katabi raw ako that time na lalaki na parang normal na estudyante. Akala raw niya transferee kasi bago ang mukha tapos parang nagsasalita raw then maingay tapos para daw niyang inaasar si ma'am kaya binato niya ng eraser. Pero noong nagsigawan mga classmates ko at noong sinabi ko na wala naman akong katabi na-realize niya na siya lang daw nakakita. Noong time na raw na iyon is lumabas na raw iyong nakita niya sa classroom pero parang inasar pa raw siya. Normal lang daw talaga itsura.

Syempre natakot kami pero marami na raw pala siyang experience and sinabi niya rin na naka-open third eye niya. Marami ding nagpapatunay na totoo mga kwento ni ma'am. Kwento ko na lang soon.

And marami palang kwento rin iyong school namin. About sa Id picture namin, about sa estudyante na naka gala uniform, iyong babae sa classroom ng St.Benedict pati iyong mga nasaniban na mga grade 8 at grade 9 students noon nung nakahukay sila mga buto ng tao sa school. College na kami that time pero nachismis namin kasi alma mater namin, eh. So yun lang, thanks sa pagbabasa.

-R



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon