Binabantayan ka nila habang natutulog ka

17 1 0
                                    

Hello, I'm a silent reader in this page. First time ko lang magshare ng karanasan ko, di din ako magaling magkwento so pasensya na po.

Bata pa lang ako marami na kong nararamdaman na di ko maipaliwanag, hindi ko nalang pinapansin at dinadaan nalang sa tulog. At eto na nga, way back 2015 nagwowork ako sa isang Resto Bar sa San Antonio, Makati. Halos katabi lang ng Resto Bar yung tinitirahan namin don na pagmamay ari mismo ng boss namin. Common Bed space style sya na may 3 - 4 na double deck sa bawat room. Sa first floor yung rooms ng mga babae at 2nd floor yung rooms na mga lalaki. May tig isang shared bathroom sa bawat floor at bodega na sobrang dilim at sobrang daming gamit and nakatambak sa tapat ng hagdan paakyat sa 2nd floor.

Nung first week ko sa trabaho e wala naman ako kakaiba na nararamdaman, focus lang sa work then pahinga, tulog then work ulit. Then one time, monday non kaka-out ko lang sa work ng 9pm habang papasok ako sa tinitirahan namin, may nakita akong matandang babae sa mismong pinto ng bodega, nakaitim na blouse, puting palda at walang suot na sapatos or tsinelas, puti din yung buhok nya at may nakakatakot na mata. Nakatayo lang sya doon at nakatingin sa gate kung saan ako nakatayo. Bigla ako napahinto sa paglalakad at pinagmasdang mabuti yung nakita ko. Kinilabutan ako at nagmamadaling lumabas dahil sa sobrang takot. Maya maya pa habang nagyoyosi ako sa labas ay biglang dumating yung isa kong kasama sa kwarto at nagyaya na sabay na daw kami umakyat. Nauna syang pumasok at sinundan ko kaagad, habang naglalakad kami tumingin ulit ako sa pinto ng bodega ngunit wala na don yung matanda na nakita ko. Dead end yung lugar na yon at tanging yung main gate lang yung pwedeng daanan para makalabas kaya alam ko na sa sarili ko na hindi tao yung nakita ko.

Habang nakahiga ako sa bed ko, di ko maiwasan na alalahanin yung nakita ko sa tapat ng pinto ng bodega. Ikinwento ko sa isang kong katrabaho na si Rem kung ano yung nakita ko at bigla nyang sinabi yung kung anuman yung itsura ng nakita ko. Nagulat ako dahil tugmang tugma sa nakita ko kung paano nya inilarawan yung matanda. Sinabi din nya sakin na madaming beses na din daw nya nakita yon pero hindi sya pinaniniwalaan ng iba naming kasamahan.

Naging maayos naman yung mga sumunod na araw at sa tuwing uuwi ako sa kwarto namin ay nagmamadali ako laging umakyat sa hagdan.

Isang gabi habang nakahiga ako sa kwarto namin, may napansin ako na dumaan sa tapat ng pintuan papunta sa shared bathroom (sira yung pinto sa kwarto namin kaya lagi lang syang nakabukas). Hindi ako sigurado kung sino or ano yung dumaan, natapat pa naman na naiihi na ko. Nung di ko na talaga mapigilan ay lumabas na ko ng kwarto para magpunta sa CR. Laking gulat ko nang makita ko na nakabukas yung pinto ng CR at walang tao. Sigurado ako sa sarili ko na may napansin ako na naglakad papunta sa CR, at wala akong napansin na bumalik kasi nakatingin lang ako sa tapat ng pinto the whole time na naghihintay na lumabas kung sinoman yung naglakad papunta sa CR na yon. Dead end din yon at walang ibang dadaanan kasi nasa dulo ng 2nd floor yung CR na yon. Nagmamadali akong umihi at bumalik na sa kwarto ko para magpahinga at nakatulog na agad ako dahil na din siguro sa takot.

Nung bandang madaling araw nagising ako bigla ng makaramdam ako ng sobrang lamig sa may bandang paanan ko, nakapatay na yung ilaw at mini lamp nalang yung bukas at tanging tunog ng electric fan nalang yung maririnig sa paligid ng bigla akong nakarinig ng dalawang bata na naglalaro ng bola sa hallway, nakaramdam ako ng sobrang takot kasi rinig na rinig ko yung tunog ng pagkaldag ng bola at tawanan ng dalawang batang lalaki. Lumingon ako sa kabilang side at nakita ko na gising pa si Rem at bigla syang nagsalita. "naririnig mo din yon? Yung dalawang bata?" Tumango nalang ako at di ako makapagsalita sa sobrang takot. Pinilit kong matulog nung mga oras na yon pero di ko magawa dahil lalong lumalakas yung tawa at kaldag ng bola na nadidinig ko. Hanggang sa bigla nalang nawala kaya nakatulog na din ako. Sobrang takot na takot ako nung mga panahon na yon.

Kinaumagahan nagkakape ako sa kwarto, ako nalang mag isa kasi pumasok na sa sa trabaho yung iba namin kasamahan. Pumasok si Rem at tinabihan ako at sinabayan ako sa pag inom ng kape. Napagkwentuhan namin yung kung anoman yung narinig namin nung gabi. Sinabi nya sakin na pang apat na beses na daw nyang narinig yung dalawang bata na naglalaro na yon at nasanay na din daw sya, may ikinwento din sya na minsan daw ay di sya nakakatulog dahil sa mga nakikita at nadidinig nya sa tinitirahan namin.

Nung dumating yung linggo, day off ko non at maghapon lang akong natulog sa kwarto. Nagising ako ng 4pm, kumain at nagpunta sa malapit na computer shop para maglaro ng Dota. Nung pauwi na ko bandang 9:45pm pagbukas ko palang ng gate ay nakita ko ulit yung matanda sa tapat ng bodega, this time kasama ay kasama nya yung dalawang bata na nadinig kong naglalaro sa taas nung nakaraang gabi. Nasa edad 7 yung isa at edad 9 naman yung isa at may hawak na bola. Nakahawak yung isang bata sa kamay ng matanda habang nakayuko at yung isa naman ay nakatitig sa bola na hawak nya. Dali dali kong isinara yung gate at tinawagan si Rem para sana sumabay papasok sa kwarto ngunit umalis pala sya at gumala kasama yung iba namin katrabaho nung gabing yon. Wala akong choice, sobrang inaantok na ko. Kailangan ko na umakyat sa kwarto para magpahinga. Lakas loob kong binuksan ulit yung gate at tumingin sa tapat ng pinto ng bodega. Dali dali akong tumakbo at umakyat ng hagdan at tuluyan ng pumasok sa kwarto namin. Sobrang pawis na pawis ako at hinihingal nung mga oras na yon. Habang nakahiga ako sa kama ko, laking gulat ko nang makarinig ako ng kaldag ng bola at pagtingin ko sa pinto, nakita ko ulit yung dalawang bata na naglalaro ng bola. Sa sobrang takot nagtalukbong ako ng kumot at nagdasal at maya maya pa ay di ko napansin na nakatulog na pala ko.

Kinaumagahan, nakita ko si Rem na nag iimpake na ng gamit. Aalis na daw sya para umuwi ng probinsya dahil sobrang takot na takot na daw sya. Hindi na ako pumasok nung araw na yon at nagresign na din ako sa trabaho at nagmadali na ilagay sa maleta lahat ng gamit ko. Sumabay na ko kay Rem papunta sa Bus Terminal.

Habang nakasakay na ko sa Bus pauwi nang Bulacan, tinawagan ako ni Rem.

Ako: "Oy pre kumusta? Umandar na ba yung sinasakyan mong Bus?"

Rem: Buti napagpasyahan mong magresign at umuwi na?

Ako: Sobrang natatakot na din ako pre.

Rem: "Pag uwi ko kagabi, nakita ko yung matanda na nakatayo sa paanan mo habang tulog ka at yung dalawang bata naman nakaupo habang nakatitig sayo, sobrang himbing ng tulog mo kagabi. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sayo, binabantayan ka nila habang natutulog ka. Mag iingat ka lagi pre, magdasal ka lagi. Baka sundan ka nila, wag naman sana."

Di ako nakapagsalita at nagdasal nalang ako. Maayos naman ako na nakauwi sa bahay namin at naghanap nalang ng ibang trabaho.

Yun lang, salamat sa pagbabasa. Hindi ako sanay magkwento pero may iba pa kong karanasan na gustong i-share sa nga susunod.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon