Aswang sa Kabihasnan

30 1 0
                                    

Aswang sa Kabihasnan

This Happened around 98-99 Grade Four ako Nun.
Nakatira kami sa kalagitnaan ng Maynila, maingay, matao, magulo, tabi tabi ang bahay.
Sa isang compound kami nakatira, not really compound pero looban lang sya pero maayos mga bahay namin, sementado ganun pero magkakadikit ang dingding. Dun sa compound namin ay parang magkaka mag anak na ang turingan namin. So ito na nga 🤣

Kada 3 buwan, umuuwi papa ko sa Probinsya nila para kumuha ng bigas namin kasi may palayan sila. So isang araw umuwi siya ng probinsya so ang natira lang sa bahay namin ay ako, ate ko na HS at mama ko. Isang gabe nagtutupi kami ng damet bago matulog. Then maya maya may narinig mama ko na pusa kumakaluskos sa bubong. Ilang minuto din lumipas at hindi padin tumitigil at unusual sa tagal at palakas ng palakas. Sabe ni Mama KUNIN MO YUNG PANUGKIT AT KALAMPAGIN ANG PUSA PARA UMALIS 😭 Tapus sobrang lakas na ng hampas niya sa bubong at sigaw hindi padin tumigil at lalong lumakas. Tapus nakita namin yung Kamay or paa ba un ang haba ng kuko at hindi siya pang pusa 😭 sabe ni Mama ASWANG YAN BUMABA KAYO AT TAWAGIN SILA ATE MO. yung ate ko na tinutukoy nia nakatira sa tapat namin, may sarili na pamilya. So sabe ko nga tabi tabi ang ding ding ng mga bahay namin at compound sya so magkakatapat kami. Pag may konting sigaw or away nagkakarinigan agad kami kaya ang biruan dun dati walang sikreto matatago dun sa compound namin. So nagtataka kami kasi sobrang lakas na ng sigawan namin at iyak namin ng ate ko wala man nakakarinig samin at mag rescue man lang or mag tanong kung anong nangyayare. Sobrang tahimik ng paligid mga kapitbahay namin na parang wala sila naririnig. So ayun nagsisisigaw kami sa ate ko pero wala talaga sumasagot. Mga around 12 na to nangyare so karamihan tulog na. Pero kung sa lakas ng sigaw namin wala man lang nakarinig. Bale dun pala sa looban namin mga 6 na bahay kami 3 magkakatabi at 3 katapatan. So ayun patuloy padin si Mama sa paghampas ng bubong pero hindi padin umalis ung "PUSA" Eh diba usually isang shooo mo lng sa pusa aalis na agad. Hanggang sabe ni mama magdasal kami. Ayun eventually umalis din sya pero sa halos 30mins na pag iingay namin wala talagang lumabas man lang dun samin.

So kinabukasan nagkwento na kami sa mga ka compound namin habang nagkakape. Btw, karamihan po sakanila ay taga Samar. Bale 4 houses taga Samar at 2 kami houses na taga Tarlac. So yung isang matanda na kapitbahay namin, tawagin natin sa pangalang NANAY ANNA, di niya tunay na pangalan sabe nia NAKU KAYA PALA KANINA MADALING ARAW PAG GISING KO BASAG YUNG BOTE. Yung bote na tinutukoy nia ung bote ng mayonnaise may laman tubig at may lumot sa loob. Yung lumot daw na yun ay buhay. At pagka daw may mga entities mababasag siya kasi mamamatay yung lumot. At sabe nung isa namin kapitbahay na taga Samar din KAYA HINDI NAMIN KAYO NARIRINIG KASI YUNG MGA MAHABA NILANG KUKO AY NAG AABSORB NG INGAY PARA WALANG MAKARINIG.

BTW,  yung tatlo tatlong house na sabe ko nasa gitna kami. Yung isa namin kapitbahay nakunan at yung isa sa kabila at may buwanang dalaw. Siguro daw sobrang lakas ng amoy ng dugo kaya kami napuntahan.

Sobrang takot ko nun ilang years din bago ko naka recover sa takot sa looban namin. Dameng memories dun 🤩 masaya at nakakatakot at pinakamalungkot na memory ko ay yung last na lumabas ako dun kasama papa ko at dina sya nakabalik ulit galing hospital. Since then, hindi na ako bumalik sa Looban namin.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon