*Nun in the closet*
Military ang asawa ko kaya palipat lipat kami ng base, This happened sa Hawaii nung nastation kami dun for 2 yrs, dun kami sa Hickam where the actual pearl harbor bombing happened, nakatira kami sa duplex na 2 storey, 2nd floor ang masters at yung position ng kama namin is nakatapat sa walk in closet, right side sleeper ako kaya lagi nakatapat mukha ko sa closet, lumipat kami dun I can feel something sa room namin pero di naman super nakakatakot , siguro mas natatakot pa ko sa mumu sa pinas talaga for some reason, kasi mostly naman dito hindi sila naniniwala masyado or unbothered sila kasi busy sila dito sa buhay nila to even pay attention sa mga mumu 😂.
Anyway lagi na TTDY (Temporary Duty Travel) ang asawa ko madalas ako lang natutulog sa kwarto tapos mga aso, One day madaling araw yun I heard creaking sound yung pinto na nagoopen ganyan, light sleeper ako so nagising ako, napansin ko nakabukas ang pinto ng closet, tumayo ako at umihi, yung mga aso ko nafeel nila na gising ako nasa baba sila they started making noise so pinaakyat ko (may doggy gate kami) para patulugin sa higaan namin, sinara ko na din ang pinto ng closet, back to sleep na ako, maya maya naggrowl yung aso kong isa tapos tumahol naman ang isa so nagising nanaman ako kala ko they want to pee, paggising ko nakatingin sila sa closet at bukas nanaman ang door, kinilabutan ako pero dahil I don’t feel anything bad naman sinara ko nalang ulet.
Ff. Mga 2 nights after ng incident na yun, nag sleep paralysis ako, nakaopen yung closet and I can see someone na parang nakavail sya (yung parang sa conjuring ganun) malabo ang mukha nya but I can see her mouth, nakatayo sya dun sa closet tapos unti unting nagzzoom in ang mukha nya papalapit, tinatry ko gisingin ang sarili ko but I can’t move, nagpray ako tapos sinasara ko mata ko, hoping na pagdilat ko gising na ko, pero antagal na bukas sara ako sa mata ko nandun pa din sya, until parang yung isang aso ko nagshake ng katawan para bumaba ng kama naiihi na siguro, ayun saka palang ako nakagalaw. The funny thing is hindi ako natakot after nun, tuloy ang buhay ganun hahaha. Andami ko naexperienced pati sa work place ng asawa ko makikita mo talaga dun nakabaon pa yung mga bala sa pader galing sa war, may butas pa ng malalaking tama ng bala. Dun ako natakot sa CR nila kwento ko pag naapproved to.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.