Night Class

139 4 0
                                    

Night Class

So here's my story! Kagabi lang to nangyari as in.Kababasa ko ata dito sa spookify!

May night class ako nun, around 7:30 PM. Kasalukuyan kaming nage-exam nang biglang mag brownout, nakiusap kami sa teacher namin na assignment nalang pero sabi nya tapusin nalang daw, edi yun team flashlight kami pero totoo nagkopyahan na kami kasi madilim naman.

After namin ipasa naglabasan na kami, e yung mga kaklase Kong lalake naiihi daw sila, ang kaso nakalock na yung mga CR sa building namin kaya ayun pumasok kami sa kabilang building ng ibang college para maki CR.That time yung cr nalang ng girls ang di nakalock at dahil naiihi na yung tatlong boys pumasok nalang sila dun.

Sobrang dilim dun sa loob, may apat na cubicles dun so sabay-sabay na umihi yung tatlo, kami naman nagflashlight sa salamin tapos nagtatakutan.Maya-maya lumabas na yung dalawa tapos kinatok nila yung Isa pa.

""Pre! Bawal tum*e jan labas ka na""
Nagbibiro pa yung Isa Kong kaklase.

Mejo antagal na talaga nya sa loob,pero hinintay parin namin sya kasi matatakutin yun.Kinakabahan na ko nun pero tapang tapangan padin ako kasi yung kaklase ko na Isa nagkukwento ng horror, ako naman kunwari interesado.
Natapos na yung kwento nya pero di parin lumalabas yung kaklase namin so kinatok na namin sya ng kinatok.Maya- maya nagbukas na yung pinto tapos inasar agad namin sya na tumae sya pero di sya kumibo,paglabas namin ng building bigla nalang sya nagmumura.

T*ngna nyo! Bat nyo ko tinaguan?!
Akala namin nagbibiro sya kasi di naman talaga namin sya tinaguan pero mangiyak iyak na sya.

Huh? Anong tinaguan? E hinintay ka nga namin sa labas ng cubicle!

Tsaka pre bat basa ka?

Oo basang basa yung polo shirt nya, Hindi ng pawis kundi tubig talaga.Mejo namumutla nadin sya, nagsalita sya nung malapit na kami sa gate.

""P*cha! Kanina pa ko lumabas sa cubicle! Di ko kayo makita nun! T*ngna lumabas na ko kala ko lumabas na kayo! Pagkadating ko sa parking lot andun pa yung sasakyan akala ko tinaguan nyo ako kaya bumalik ako sa cr pero sh*t talaga pag bukas ko sa cubicle na ginamit ko kanina t*ngna nakita ko yung sarili ko dun Nakahiga! Tapos Ewan nawalan ako ng malay! Di ako nananaginip guys nakita ko nga paglabas ko yung guard nagtitimpla ng kape.""

Maluha-luha na sya habang nagkukwento, akala namin napaparanoid lang sya pero pagdaan namin sa gate nakita namin yung guard may hawak na tasa nagkakape.
Di ko alam kung maniniwala ako sa kanya pero di naman sya drama king para magawa yung mga yun.Ewan pero Ayun ngayon naka confine ang mokong mataas lagnat.

~JayJay
2015
CE



📜Spookify
▪︎2016▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon