Engkanto?
Share ko lang po tong story nangyari po last May 2023. Sorry medyo mahaba po.
So nagrerent po kami ng apartment dito sa Rizal. Okay naman environment. Tahimik and kami yung unang tumira since kakatapos lang gawin yun nung dec last yr. So eto na nga po, nangyare yun sunday ng tanghali. Naglilinis kami ni hubby ng bahay yun naman kasi usual routine namin pag walang pasok. Ako, si hubby tsaka yung 3 yrs old kong anak lang yung nasa bahay. Then 8 months preggy ako that time. Tamang kwentuhan at tawanan lang kami tatlo nung time na yon. Andun kami sa sala kasi kakatapos lang nun magmop ng floor ni hubby. Then yung anak ko sabi nya out of nowhere, nagask sya samin ano daw yung nasa bintana. Sabay turo sa bintana namin. So sabi ko asan, wala naman. Pero iniinsist nya na meron daw sa bintana madaming teeth tas walang paa. Yan yung pagkakadescribe nya. So ako naman kala ko nakakita ng insekto or something yung anak ko. Hnahanap pa namin ni hubby kung nasan yung tinuturo nya sa bintana. Then, sabi nya kunin daw namin yung book nya ng mga animals. Meron kasi picture dun ng crocodile na madaming ngipin. Tas tinuro nya yon. Sabi nya ganun daw itsura nung ipin tas wala daw paa and color gray. nasa window lang daw. Tas sinenyasan ako ng asawa ko na sabi nya, "may nakikita."
Sabi ko sa asawa ko ipasok nya muna sa kwarto anak namin. Habang nasa room sila nagaaya lumabas anak ko kasi sabi nya sa papa nya, paalisin nga daw namin yung nasa bintana na madaming ipin at walang paa. Nagiinsist tlga sya na nandun. Then tnanong ko anak ko ano ba ginagwa dun. Dito na kami natakot ng asawa ko kasi ang sabi ng anak ko, nakatayo lang daw don. It means nasa loob sya ng bahay tas malapit sa bintana. Nakatingin lang daw samin at sinasama sya. Imagine tanghaling tapat ganun. Yung mukha pa ng anak ko nun takot na takot na tas umiiyak. Hindi na namin alam gagawin nung time na yun. Tas yung asawa ko may kilala sila albularyo.pinapunta namin agad sa bahay. Sabi namin try na lang namin kasi wala naman mawawala. Habang inaantay namin yung albularyo, kasi sinundo pa nung mama nya(mother in law ko) inaya ko sya sa room nya para maglaro. Kasi iyak na tlga sya ng iyak. Then nung pagupo namin sa floor, puzzle kasi lalaruin sana namin that time. Bigla sya umiyak nanaman ng malakas tas nagpapakarga. Itsura nya that time takot na takot na nanginginig kasi sabi nya meron din daw madaming teeth na walang paa tas color gray dun sa basket(lagayan nya ng mga maruming damit)malapit sa cabinet. Ginawa ko nilabas ko na sya ng bahay namin pero may tinuturo pa din sya sa bintana. It means dalawa yung nakikita ng anak ko. Isa sa sala and isa sa kwarto. Sakto naman nun na dumating na mother in law ko pati yung kilala nila albularyo. Ayun tinawas sya tas dinasalan. Habang ginagawa yun sabi pa ng anak ko nakatingin daw sa papa nya yung nandun sa bintana. Inadvice din kami magpausok ng insenso nun sa hapon. Nung bandang 2pm tsaka ko pa lang sya napaliguan nun. Then nakatingin sya sa bintana sabay sabi sakin na , "wala na yung madaming teeth sa window."
Minsan bigla na lang maaalala ng anak ko yun out of nowhere pero iniiba na namin ni hubby yung topic para di na makaattract ng ibang entity or kung ano man yung nakita nya. Until now palaisipan pa din samin magasawa kung ano nakita nya nung time na yun.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.