Portal

16 1 0
                                    

Portal

Bata palang ako, alam na ng family ko na bukas ang third eye ko. 3 years old palang, hindi ako natatakot manuod mag-isa ng mga nakakatakot, kahit yung pinsan ko mismong kaya makipag-usap sa mga entities ang nag confirmed na bukas nga pero magkaiba kame ng skills, ako kasi nakakakita ko lang pero hindi ko kaya yung kumbaga mag summon na tulad ng ginagawa niya.

Isang araw, I was 9 years old that time. Hindi ko alam, bakit parang pinaghahandaan ko yung kinabukasan na parang takot na takot ako na sobrang unusual kasi never ko naramdaman yon. Gumawa ako ng asin na dinisolve sa water na nilagay ko sa water gun, nagdala akong rosary at tinalian ko yung door knob ko ng kumot at mga towel na pinagduktong duktong para hihilahin ko nalang pag gusto ko lumabas ng mabilis since hindi ko naman nilalock ng todo yung pinto. May sarili po pala akong bed room nung time na yon, yung set up po ng room yung pic. (Pasensya napo sa drawing 🤣)

Dumating na nga yung oras na pinaghandaan ko, mga around 1am nagising ako. Nakita ko may lumalakad na babaeng nakaitim hindi mo maaninag yung itsura pero para siyang nakabelo at sobrang gulo ng buhok. Bigla kong hinila yung ginawa kong hilahan ng pinto, kaso biglang naputol na napakalabong mangyare. Nagtalukbong ako ng kumot pero hindi ko pinakita na nagpapanic nako deep in side, ayaw ko kasing nakikitang mahina ako.  Nagpalipas muna ako ng ilang minuto, tas dahan dahan kong sinilip yung paligid, straight yung tingin ko malapit sa pinto pero pag tingin ko nasa gilid na pala siya malapit sa ulunan ko, sa may bintana bandang cabinet. Nagtalukbong ulit ako ng kumot, pero nararamdaman kong sinasakal niya nako. Inaalis ko yung pagkasakay niya saken, nakita ko yung itsura niya na parang galit siya. Kumalma ako, pumikit, kahit kapit pa niya ko, kumanta ako ng Come Holy spirit at nagpray ng Hail Mary. Naramdaman ko na unti unti ng nawala yung pagsakal niya sakin at after non nakatulog nako, dala na rin siguro ng pagod. Kahit hanggang pag laki ko, come holy spirit paren yung kinakanta ko everytime na nakakaramdam ako ng takot or minsan pag feeling ko na slesleep paralysis ako, tas sabay laging sabi kung sino man siya na hindi ako natatakot, hindi kayo mananalo sakin, effective naman lagi. 🙏🏻

Kinabukasan, alam ko sa Unang hirit to. Saktong sakto yung episode, regarding sa mga feng xui or masasamang magkakatapat sa bahay. Example nalang ay yung salamin, masamang nakatapat daw sa bintana or pinto kasi nagiging tagusan daw ng bad spirits or kung ano pa, may tama raw na position pala dapat. Mula non, iniba kona yung set-up ng kwarto ko, hindi na rin ako don natutulog. Hindi ko narin ulit nakita yung babae na yon.

Wala parin po talagang tatalo sa pananalig sa diyos 🙏🏻



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon