Sa nag-post nito kanina, this is true. Hindi ako makapag comment dahil may mga kakilala ako dito. So I choose to create a different anonymous post na lang.
Before I will discuss the details, please bear in mind that I love my mother unconditionally with all my heart.
Pero napapansin ko na every time na kasama ko si Mama sa iisang bahay, minamalas ako lagi. Laging kinakapos at laging nakaka-encounter ng malas. Tapos may nagkakasakit ng malala and other circumstances, namamatay.
Back story: Lolo and Lola ko ang nagpalaki sa akin. First time kong makasama sa loob ng bahay ang mama ko, pa graduate na ako ng college. Pero pabaka-bakasyon lang ako sa kanya.
Nagkasama na kami ng tuluyan nung may stable work na ako sometime 2014. Kinuha ko sila ng mga kapatid ko sa inuupahan kong bahay para magkakasama na kami ng tuluyan. Sa probinsiya ito, commute ako papuntang work sa Manila, daily.
Ayos naman ang work ko, at mabilis napo-promote. Pero nung nakasama ko na ang mama ko, dinemote ako ng boss ko and for some unknown reason, my boss hated my guts and tried to mismanage me.
After that, nagkasakit ng malala at muntik mamatay yung isang kapatid ko. Dahil sa laki ng gastos ng pagpapaospital niya, nabaon ako sa utang, naisanla ko ang atm ko at umabot ng years bago ako nakabayad.
Sumunod, nagka-cancer ako, benign. So napilitan akong mag-stay sa Manila in 2017 para malapit sa hospital kung saan ako nagpapa chemo.
Si mama tumira na sa isang kapatid ko dahil bumukod na rin yun after mag asawa. Di naman na siya pedeng sumama sa akin kasi bedspace lang ang kinuha ko para makatipid.
A few months after kong namumuhay ulit mag-isa, nagkaayos kami ng boss ko na parang walang nangyari. I've been ignored, insulted and mismanaged for almost 4 years pero parang phase lang yung galit niya, ang bilis lang naayos. Our relationship was even better. Gumaling din ako after chemo sessions. Na promote ako to a higher position in 2019. Maayos ko ring nabayaran yung atm na sinanla ko sa pagkakasakit ng kapatid ko.
The same year, nakabili ako ng una kong bahay at lupa. In 2020 kahit kasagsagan ng pandemic, I prospered and was able to buy 3 additional properties. I was also promoted again (2nd highest position sa company namin). I also travelled non-stop and had comfortable earning sa bank.
This 2023, dahil permanent work from home naman na kami, I decided to go back to the province. And since my properties naman ako doon, why would I stay in Manila pa and pay higher rent kung makakatipid naman ako kapag umuwi diba?
Dahil wala naman akong asawa at anak, my mama decided to live with me again. That time sakitin siya kasi madami daw siyang ginagawa sa bahay ng kapatid ko. Tipikal na reklamo ng isang nanay sa gawaing bahay. So sige kako, tumira ka na lang sa akin para makapagpahinga ka.
Two months with me, first, nagkanda malas malas ang company namin. We had financial loses, so great that our salaries are delayed talaga. As I am from the higher management, the owner decided to cut down our salaries by 20% (same company pa rin ito). Pumayag ako kasi I've been with the company for almost 15 years.
Second, namatay bigla ang father ko last month (broken/blended family kami). I have to find ways para makatulong sa tatay ko. Ang laki kasi ng nagastos niya sa hospital. Yes, since after nabayaran ko yung sinanla kong atm, ngayon lang ako ulit nagkautang.
Third, pumalpak kami sa isang client namin last week. This client has been with us for almost a decade. Maraming beses na kaming nagkamali, mas matitindi pa. Pero simpleng mistake lang ito, sobrang ikinagalit nila that they threatened to take their business somewhere. Inaayos pa rin namin until now. Ang nakakaiyak, every solution is always ineffective at lalong nagpapabigat sa sitwasyon.
Fourth, one of my purchased house and lot (pre-selling) called me and told me that they can no longer construct the agreed unit due to issues on land titles. It may take a year before ko makuha ang binayad ko, at mababawasan pa yun dahil daw sa other fees.
Since bumaba na ang sahod ko, nagkautang pa ako sahil sa papa ko, hirap na hirap ako ngayong pagkasyahin ang budget ko.
If you ask, what happens when my mom is with my other siblings, the same din po sa akin. 😔
Is someone out there ang nakakaalam kung paano ang gagawin sa ganitong sitwasyon? Mahal na mahal po namin ang mother namin, but we always prosper if she is not living with us.
To add: Binilhan ko po siya ng sarili niyang house and lot, pero nagkanda delay delay ang construction din. So no choice ako for now. 🤣
Ayaw na rin po niyang bumalik sa kahit kaninong kapatid ko kasi buhay donya talaga siya sa akin. She is thriving well and hindi na nagkakasakit.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
De TodoAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.