Japan Creepy Experience

95 2 0
                                    

Japan Creepy Experience

Hi mga ka Spookify avid reader nyo po ako lalo na pag patulog n ugali ko magbasa ng mga kwentong katatakutan sa page nyo.

I hope sana mappst ito sa page nyo ishare ko lang ang past experience ko sa Japan. Sana po hide nyo na lang din po identity ko if ever na mapost po ito.

Hi I am Dessa (not my real name) Year 2003 nung nagJapan ako as entertainer. Sa isang province sa Japan ako napunta di masyadong mataong lugar. Ang bahay na tinutuluyan namin lahat ng entertainer ay 3 floor sya sa 1st floor parking area, yung 2nd floor ay omise o club namin at yung 3rd floor naman kami nakatira. Yung bahay namin ay malapit sa dagat so minsan pag wala kami trabaho o day off namin naglalakad lakad kami s tabing dagat na katabi rin ng sementeryo.

Minsan naisipan namin ng mga kasamahan ko magexercise sa 2nd floor sa may club namin tutal close p naman kami mga 2:00 pm. Ang binuksan lang namin na ilaw ay yung sa may bandang stage lang. so ayun na exercise na kami may kulitan din. Maya maya prang nararamdaman ko na parang bumibigat na ang paligid parang madilim na. Naaninagan ko na parang may nakaupo na 3 lalaki sa may table malalaki ang katawan nila nakajacket pero di nakikita ang mukha parang mga anino lang. ang akala ko ako lang ang nakakita nagulat na lang ako sumigaw yung isang kasama namin kaya nagtakbuhan kami papunta sa may pintuan pero sa sobrang takot namin di namin mabuksan ang pinto sigaw kami ng sigaw at naiiyak na sa takot maya maya paglabas nmin s may pinto dali dali kami umakyat ng hagdan at nagkwento kami sa iba naming kasamahan ang pinagtataka namin di nila naririnig ang sigaw namin samantalang sa ibaba lang yun ng aming tinutuluyan.

Ilang araw ang lumipas may isang kostumer namin ang nagtanong kung meron daw ba kaming kasamang mga lalaki sa tinutuluyan namin sabi ko meron yung waiter at tencho o manager namin. May nakita daw ksi sya sa balkonahe ng 3rd floor kung saan kami natutulog na 3 lalaking nakadungaw malalaking katawan na nakjacket na itim.

Duon ko lang napatunayan na totoo ang nakita namin nung nageexercise kami.

Sana magustuhan nyo ang creepy story ko.
Thank you.




📜Spookify
▪︎2020▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon