Si Pinsan
Hello po share lang po ako ulit, pero this time experience po ni mama. (As usual po di ako magaling mag kwento po plus long story ahead po)
Death anniversary ni pinsan today and nag kkwntuhan sila tungkol sa kanya, 4 years old lang po siya nung namatay and sobrang nakakalungkot po talaga kase iilan lang kame na babae samen mag pipinsan din.
So eto na nga ngayon ko lang nalaman na open 3rd eye ni mama kaso tulad ng mga mata daw niya malabo din daw yun ( ganun po pala yun 😅)
Way back 2000 po ito sagana pa sa dutyfree ang clark nun halos buong family sa father side ko nun ppunta sa dutyfree para mag groceries bali 5 kameng bata nun tapos 10 daw ata yung mga adults ( di na masyado maalala ni mama). Kame lang ni pinsan yung babae nun kaya kame lagi magkalaro at magkasama nung araw na yun and btw mag kasing edad lang kame parehas kame 4 years old nun.
Sabi ni mama nung time na aalis na kame sumampa si pinsan sa maliit na gate, yung garahe kase nun pababa siya kase lumang bahay na ung parang lumubog sa lahar yung dating kaya mataas yung kalsada kaya pati gate mataaas, so sumampa nga po siya dun sa service door kaso nadulas daw ata or nabitawan niya hawak niya at nahulog siya. Madami naka kita nun pagkahulog niya, isa na si mama dun at nakita nila at rinig na rinig yung kalabog at pagka untog niya, syempre dahil bata iyak ng iyak si pinsan nun.
Tumuloy parin kame sa dutyfree nun parang hinayaan nalang daw yung nangyare kase nga bata nature na daw yung pagiging malikot, Nung mga panahon na yun di pa alam nila mama yun bawal ganun pag nauntog yun bata, so habang naka byahe daw siguro sa pagod na din daw sa pag iyak nakatulog si pinsan.
After daw ilan days lagi na irritated si pinsan at iyak ng iyak lagi na daw din nilalagnat, na confine siya nun and nung panahon na yun wala pa daw ata CT scan sabi ni mama, sinabe lang na pneumonia ganyan at dehydrated kase lagi nag susuka. 3 days lang daw na confine si pinsan kase may lumabas na daw na liquid sa tenga at nose niya then di clear sinabe ni mama sakin basta ayun namatay na si pinsan.
Nung burol niya dun sa bahay nila ginawa, ako na bata di ko pa alam yung meaning ng namatay, sabi ni mama lagi daw ako dun sa kwarto ni pinsan nilalaro yung mga laruan niya na dati namen pinag lalaruan, may favorite siya na toy, manika Siya na may gitara tapos pag pinindot mo kumekembot siya. Lagi ko daw hawak yun kase sabi ko daw sabi ni pinsan hawakan ko daw muna baka daw kase kunin.
3rd day daw ng burol tandang tanda nila mama at mga tita bigla nalang daw humahangin ng malakas sa loob ng bahay, literal sa loob lang daw po ng bahay sa labas daw walang ka hangin hangin tapos syempre mahangin lagi namamatay mga kandila. Napatingin daw si mama sa kwarto ni pinsan at nakita niya daw na may nakasilip na bata at galit daw yung tingin pero agad din daw nawala.
Last night ng burol at habang nag papadasal naman bigla nalang daw namatay mga ilaw sa mismo kung nasaan yung kabaong at dami daw mga insecto na lumabas nag panic mga tao kase super dami daw na insecto mga ipis daw ganun, then nakita nanaman ni mama si pinsan pero this time sure na sure Siya na si pinsan yun, buong katawan niya daw nakita nasa may gate daw at galit daw parin yung expression niya, yung damit daw na suot niya is yung suot niya nung nahulog siya sa gate. Nawala nalang daw siya nung nag ka ilaw na ulit then nakita nga nila yung same na damit is super dumi daw kahit di naman daw ulit nilabas mula nung last na sinuot ni pinsan kaya ayun pinasunog nalang.
Day ng libing ni pinsan nasa unahan ako, kasama sila mama at tita, nung nasa simbahan na kame nag tataka sila bat daw nasakin yung manika eh pinasok nila yun sa kabaong ni pinsan, sabi ko inabot ni pinsan kase mag ssleep na daw siya, ayaw ko daw ibalik sabi ni mama at nag wala talaga daw ako, naalala daw ni mama sinabe ko sakanya sama ako kay pinsan tabi kame sa higaan niya dun nalang kame mag play kung saan siya ppunta. So binalik na Yung manika sa kabaong tapos kalagitnaan ng mass bigla tumunog yung doll so nagulat lahat and Hindi yun yung last na tumunog siya, kase nung time naman na nilulubog na siya sa lupa tumunog nanaman yung doll pero hinayaan nalang nila.
After nun syempre sobra nakakalungkot, sabi ni mama umalis daw sila tita sa bahay kung saan sila dati nakatira kase lagi daw nag paparamdam si pinsan dun and sobra daw na ddepress si tita kase halos kakapanganak lang din kase niya nun.
Bale eto pa po way back 2017 namatay naman si lola, dun siya ililibing sa ibabaw ni pinsan so kailangan siya hukayin, nandun din ulit si mama nung hinukay si pinsan, nagulat lahat kase buo pa siya at may balat pa talaga mukha lang daw natutulog sabi nila yung doll yakap niya daw pero ang creepy daw ng expression sa mukha nung doll.
Pinabless nila si pinsan ulit kase mukhang di pa daw talaga siya naka move on, everytime daw kase na nasa bahay kame ni lola nakikita parin siya ni mama pero mabilis lang parang sa gilid lang daw ng mata niya pero alam ni mama na siya yun kase yung amoy daw niya na amoy baby powder na may halong baby cologne.
Matagal na kame di nakakapunta sa bahay ni lola dahil din nag hiwalay na si mama at papa then halos lahat ng side ni daddy nasa abroad na, every now and then pag dumadating death anniversary ni pinsan nag paparamdam parin siya kay mama sa panaginip na parang sinasabe bat di nila siya dinala agad sa doctor. Malungkot na may galit lagi expression niya kase parang ninakaw sakanya yung future at buhay niya.
Thank you po sa pag babasa, madami pa experience si mama sa ibat ibang family members namen pero si pinsan talaga daw yung pinaka hindi niya daw malilimutan.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.