BEACH HOUSE

15 1 0
                                    

BEACH HOUSE

Hi, gusto ko lang mag-share ng creepy experience ko 3 months ago dito mismo sa work ko. Hindi ako magaling magkuwento kaya sana maintindihan n’yo. Medyo matagal na rin naman kaming namasukan dito ni mama as a caretaker ng beach house sa isang village dito sa Batangas, for rent yung buong bahay at masasabi kong medyo may kalakihan ito na aabot hanggang sa third floor (rooftop).

At first, normal lang naman lahat nung unang pasok ko dito, walang something na dapat ikatakot kahit na iisa pa lang ang kapitbahay namin since bagong village pa lang to and kakaonti pa lang ang mga nagpapatayo ng bahay, tapos medyo hiwalay pa yung beach house namin kasi mas piniling itayo yung bahay sa mas malapit sa dagat dahil yun ang habol ng mga guest kapag gusto nila mag-check-in.

To make the long story short, nagkaroon kami ng guest at medyo ginabi sila ng checkout kaya gabi na rin kami makakapaglinis ni mama non, kaya dapat kaagad naming malinis ang buong bahay kasi kinabukasan may guest na ulit kami. Nung naglinis na kami, mas naunang natapos si mama na maglinis sa second floor, at ako naman ay nasa first floor kaya nakita ko si mama non na bumaba at sinabi sa king tapos na siya.

Then, after non ay mabilis na rin akong natapos kasi konti na lang naman ang lilinisin ko at nakita ko ring lumabas na si mama ng bahay. Nagpo-phone lang ako non, at mga ilang minuto ang lumipas nang may narinig ako sa second floor na parang nag-uusog ng kama, paulit-ulit niya yong inuusod na para bang naglilinis siya. Hindi ko yon pinansin kasi akala ko si mama lang, baka hindi ko lang napansin na umakyat ulit kaya hindi ako natakot.

Hanggang sa naingayan na ko kasi bumilis na nang bumilis yung pag-uusog niya ng kama kaya umakyat na ko para tingnan na. Tinawag ko nang paulit-ulit si mama kasi akala ko siya yon, pero walang nasagot, kaya ang ginawa ko ay binuksan ko yung kwarto kung saan ko naririnig yung ingay at laking gulat ko nang makitang walang tao don at ayos lahat ng kama. Medyo kinabahan na ko non kasi ako na lang mag-isa at gabing-gabi na kaya dahan-dahan akong lumabas ng kwartong yon.

Nang palabas na ko ng kwarto, naaninag ko sa glass window na nakabukas bigla yung TV sa second floor, pero nung umakyat naman ako ay nakapatay yon, dun na literal na tumayo yung mga balahibo ko kasi nung nilapitan ko yung TV ay naka-videoke ito, imposibleng naka-setup yon sa videoke kasi wala yung DVD player and sa first floor ka lang makakapag-videoke kasi dun may setup. Mas lalo pa akong kinabahan nung nakita ko yung nagpe-play na lyrics sa screen.

Narinig ko na yung kantang yon ng isang beses kaya pamilyar ako dito, at hindi ako nagkakamali, theme song nila yon ng amo naming at nung asawa niyang kakam*tay lang few months ago. Hindi namin alam kung bakit sya nam*tay kasi hindi rin naman sa min sinabi kung ano ang dahilan. Pagkatapos nung gabing yon ay hindi ko na kinuwento kay mama yung nangyari, nagkuwento na kasi ako non sa kanya na un ana bumabagsak na yung mga sant0 sa second floor at natakot siya, kaya simula non ay wag na raw ako magkuwento sa mga nangyayari sa bahay.



📜FEU Secret Files Community
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon