MGA KALULUWANG NAKISAKAY
Nangyari po ito ilang taon na ang nakaraan sa Nueva Vizcaya, paakyat ng bundok, sa Dalton Pass.
Hapon ng maliwanag pa, kasama ko yung dating asawa ko, nag aaway kami sa sasakyan simula palang sa kapatagan sa Nueva Ecija paakyat palang ng kabundukan ng Nueva Vizcaya. Nandyang huminto kami dahil nag aaway, tatakbo ng konti ang sasakyan nag aaway pa din, hihinto dahil sa pag aaway. Bababa sya iiwan nya ko sa sasakyan, babalik sya mag aaway kami nanaman. Umabot ng paulit ulit ang scenario ng hanggang madilim na, gabi na. 6 na oras ng malalang away hanggang nagdesisyon sya na magbyahe na kami para makauwi na din dahil delikado sa daan, wala pang bayahan na.
Hanggang sa gabi na, malayo pa ang magiging byahe namin nasa 4 oras kung tulou tuloy, pero naging matagal ang byahe dahil mabagal lang ang takbo nya siguro dahil madilim na at pazigzag ang daan, pataas pa kasi paakyat ng bundok.
Dalton Pass, naiihi daw sya, huminto kami sa may tindahan na binabagsakan namin ng bigas, suki namin. Nag iisang bahay sa gawi na yon, medyo maliwanag sa may kalakihan na tindahan, may parking na kasya ilang sasakyan hintuan din ng truck. Nainis nnmn ako dahil bumaba sya ng hindi nya sinara yung pintuan. Ayoko ng ganon dahil naniniwala ako sa pamahiin na wag mo iiwan nakabukas yung pinto mo pag bababa ka lalo sa lugar na bakante dahil baka may makisakay. Hinila ko nalang pasara yung pintuan nya which is sa gawing driver's seat. Pagkasara ko ng pinto, d na maganda pakiramdam ko, may kakaiba na.
Nagtuloy kami nagbyahe, d pa nakakalayo sa may tindahan alam kong meron nakasakay na sa likod ng sasakyan, binuksan ko yung ilaw ng sasakyan sa gitna. Sabi ko sa kasama ko, wag nalang patayin, d nmn sya kumibo. Nagbukas ako ng bintana, pagtingin ko sa sideview mirror merong matanda na nakasideview nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi pa ako natakot na nagpanic dahil pangatlong beses ko na makakita ng ganon, at d naman sya yung wasak ang mukha o ano. D ako mapakali, alam kong hindi lang sya ang nasa likod ng sasakyan, feeling ko tatlo o basta occupied buong likod ng sasakyan. May babae sa gitna, alam ko, nararamdaman ko. Buong byahe na hindi ako mapakali, tingin ako ng tingin sa mga salamin, nahagip ng mata ko yung babae sa gitna, hindi malinaw ang image pero alam kong babae, katabi sya ng matanda na nasa likod ko.
sa may kabayanan na, may hotel, kahit isang oras nlng sa amin na sabi ko nag check in na tayo, d ko naman sinasabi pa yung tungkol sa naramdaman at nakita ko sa sasakyan. Malas, walang tao sa hotel, umalis nalang kami, sabi nya umuwi na tayo malapit lapit nalang din naman. Hindi pa din ako mapakali, hanggang sa umabot na kami sa tulay na medyo malapit sa amin, pagtingin ko sa sideview mirror, MAY CLOSE UP NA MUKHA NA NAKAMULAGAT ANG MATA, TINAKOT NYA AKO, alam nyang natatakot ako buong byahe at aware ako na nasa sasakyan sila. Hindi ko alam ano ang reaction ko pero sabi ng dating asawa ko, bakit may nakikita ka ba? "Wala" sabi ko nalang. pero tumaas balahibo ko sa batok. Hanggang sa nakauwi na kami at may sinat na agad ako pumasok ng bahay.
Kinabukasan nilalagnat ako, kinuwento ko sa mga kapatid ko, yung isang ate ko ang sinabi magsaboy ng asin sa sasakyan d bale na makalatan, at maglagay sa baso, buksan lahat ng pintuan at sabihin ko na umalis na sila natatakot ako, ipagdadasal ko nalang kaluluwa nila.. nakuha ang idea sa nangyari dati sa bestfriend ko na namatay, magsalita ka na umalis na sya at ipagdadasal mo nlng kaluluwa nya dahil natatakot ka.
Ginawa ko eksakto sa sinabi sakin gawin pero nagpasama ako isang kasama sa bahay dahil natatakot ako, eksaktong pagkasara ko ng lahat ng pintuan ng sasakyan, pagkatalikod ko sa sasakyan, pinagpawisan ako ginisawan ako sa lagnat ko. Daig ko uminom ng dalawang tabletas na gamot.Totoo nga siguro na pag sobrang galit, sobrang lungkot mo, nakaka attract ka ng negative vibes, entities, kaluluwa, kung ano anong negativities. This is my 3rd time na nakakita ng ganon, una namatay na bestfriend ko, pangalawa lolo nya na di ko kilala, nakita ko sa labas after 3days din na away namin. Susunod na kwento pag sinipag yung Kapre na nagkagusto yata sakin.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.